Baggage Loader ng NAIA, Timbog Matapos Mahulihan ng mga Nakaw na Alahas



Naging usap-usapan ang Ninoy Aquino International Airport noong taong 2015 dahil sa bullet planting scheme na "tanim bala". Ito ay di umanong ginagawa ng mga airport security personnel sa pamamagitan ng extortion. Ngayon, ang ating airport ay nahaharap nanaman sa mga kontrobersiya noong mahuli ng mga awtoridad ang isang baggage loader na nag nanakaw ng gamit ng mga pasahero.




Ayon sa report ng isang Filipino publication na Pilipino Star Ngayon, isang officer mula Aviation Operations and Management, Inc. (AVOMSI) ang umaresto sa suspek na nag ngangalang Roger Daniel pag katapos makita sa kanya ang mga alahas ng pasehero ng Etihad Airlines. Ayon sa report, kinuha ni Daniel ang apat na set ng hikaw, apat na singsing, dalawang kwintas at isang relo. Isang security specialist ang kumumpronta kay Daniel pagkatapos nitong kumilos ng kahina-hinala. Minanmanan ni AVOMSI security na si Meresa Pordagas si Daniel dahil sa kahina-hinala niyang kilos noong nasa breakdown area kung saan nilalagay ang mga luggage ng mga pasahero para ipasok sa conveyor belt.



Minamanmanan na pala ng mga awtoridad ang mga kilos ni Daniel ilang buwan na ang makalipas bago siya arestuhin. Isa din siya sa mga suspek sa isa pang kaso ng pag nanakaw sa airport. Maraming mga netizens ang nadismaya at nagalit sa kakulangan ng sekyuridad ng NAIA. Marami din ang nag bahagi ng kanilang kwento sa pag kawala ng kanilang gamit sa airport. May mga netizens din ang pumuna sa kakulangan ng CCTV camera sa lugar kung saan dumadaan ang mga luggages ng mga pasahero. subalit ang iba naman ay humanga sa security specialist na si Meresa Pordagas dahil sa kanya ay nahuli ang isang mag nanakaw sa airport. 


Maraming mga reklamo na ang natatanggap ng NAIA dahil sa mga nawawala at ninakaw sa gamit ng mga pasehero na nang gagaling sa iba't ibang airline companies.

Comments

  1. mabuti nmn at nahuli n ang nagnanakaw ng mga luggage ng mga pasahero sana d n maulit d dapat tularan ngvmga trabahador s erport ang mga gnyan klaseng tao

    ReplyDelete
  2. Ikulong na Yan para Di na pamaresan

    ReplyDelete
  3. dapat lahat ng CCTV gumagana or baka naman kulang sa CCTV dhl sa dami ng reklamo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila