Bagong Deluxe Bus na may Byaheng Diretso sa SAGADA, Isang Pinakamadaling at Relaxed na Transportasyon Papunta Dito




Malamig, maaliwalas na kapaligiran at magagandang tanawin ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang dumarayo sa Baguio, partikular na sa Sagada na matatagpuan sa Mountain Province. Hindi man biro ang byahe na kailangang pagdaanan ng mga turista at mahabang oras rin ang kailangan nilang ilaan para marating ang lugar na ito ay patuloy pa rin ang pagdagsa nila sa Sagada na kilala dahil sa "sea of clouds" at iba pang 'tourist spots'. 

Ngunit papaano nga ba makarating sa Sagada? 


Simula Manila ay kailangang sumakay ng bus patungong Banaue, probinsya ng Ifugao at aabutin ito ng halos siyam na oras. Sumunod ay dalawang oras na byahe sakay ang van patungong Bontoc kung saan sasakay ulit ng jeep na siyang maghahatid sa iyo sa Sagada. Madalas punuan ang jeep na ito at kahit na sa bubong ay mayroong mga sumasakay na pasahero. Umaabot rin ng 45-minuto ang byahe simula Bontoc hanggang Sagada kaya naman mas mainam kung nakaplano na ang oras ng alis mo galing ng Manila upang masulit ang iyong pamamasyal.




Ano ang magandang transportasyon na dapat sakyan?


Mayroong bagong bukas na provincial bus company simula Quezon City papuntang probinsiya ng Cordillera. Ito ay ang Coda Lines at matatagpuan ang kanilang terminal sa HM Transport Terminal, Maryland Street corner EDSA, Cubao, Quezon City. 

Araw-araw bumabyahe ang mga air-conditioned bus na ito simula 9pm at 10pm at mayroong dalawang uri ng bus na maari mong pagpilian.

 



Ang una ay tinatawag na Super Deluxe Bus at mayroon itong sariling palikuran at kayang magsakay ng 33 hanggang 35 katao. Maliban dito ay mayroon ding libreng WiFi at mga kumot para sa bawat pasahero kaya naman sulit na sulit ang ticket nito sa presyong 980 pesos. 

Samantala, ang isang uri naman at tinatawag na Semi Deluxe Bus at mas mura ito ng kaunti kumpara sa nauna dahil wala itong sariling palikuran. Nasa 760 pesos lang ang ticket nito at kung kaya mong makatagal ng 12-oras na byahe ng hindi gumagamit ng palikuran, mas mainam itong piliin. 


Para sa mga gustong masubukan ang mabilis na paraan papuntang Sagada, maaring makabili ng ticket sa mismong website nila na https://codalines.philippinebus.com. Dito ay makikita mo rin ang ibang destinasyon na maari mong mapuntahan sakay ang kanilang mga bagong bus. 

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging