Beauty on a Budget! Headband na Nabili ni Heart Evangelista sa Quiapo na 70 Pesos Kada Piraso, Suot Niya Ito sa Paris Fashion Week!




Hindi na bago para sa fashionistang si Heart Evangelista ang lumipad sa iba't-ibang mga bansa upang dumalo sa mga ekslusibong events at shows ng mga naglalakihang pangalan sa larangan ng Fashion.

Kada taon ay inaabangan na ng mga tao at fans nito ang magiging bihis nito tuwing ito ay tutungo sa mga fashion shows na iyon lalo pa at paniguradong pinaghandaan nang todo ito ng aktres. Kasama ang kanyang buong team ay nagpunta muli ang aktres sa Paris, France para sa Paris Fashion Week 2020.


Mula noong ika-20 ng Pebrero, sa kanyang sariling Youtube channel ay mapapanood ang mga kaganapan sa araw-araw habang sila ay naroroon. Ibinahagi ni Heart ang ilan sa mga detalye kung ano ang kadalasan nilang ginagawa tuwing siya ay dumadalo sa mga nasabing event. 




Hindi naman makapaniwala ang mga manonood nang sabihin niya na ang gold headband na isinuot nito sa isa sa mga araw na iyon ay nabili pala nito sa Quiapo sa halagang 70 pesos lamang kada 4 na piraso. 

Hindi lubos akalain ng kanyang mga followers na nagsusuot pala ang aktres ng hindi branded at pinili pa nitong gamitin iyon sa isa sa pinakamalaking event sa Fashion world. Nabanggit nito ang tungkol sa murang headband habang siya ay inaayusan ng kanyang stylist.

Nasanay na ang mga tao na makita itong nakagayak suot ang mga mamahaling kagamitan mula ulo hanggang paa kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng iba, gayunman ay napahanga ang marami dahil kahit aminado itong maarte ay mukhang hindi naman pala ito snob sa mga bagay na hindi kasing-mahal ng mga nakasanayan na nitong gamitin. 


Sa kabilang banda naman ay nilinaw ng aktres na hindi lamang puro pagsa-shopping at pamamasyal ang inaatupag niya tuwing siya ay nagpupunta sa mga glamorosong events dahil ang katotohanan ay isa iyong trabaho. 




Nagpapadala umano ang iba't-ibang mga brands ng mga damit at ng kung anu-ano pa upang isuot niya at makuhaan ng mga litrato na magagamit ng mga ito bilang content. Sa madaling salita ay animo isa itong Barbie doll na binibihisan upang i-modelo nito ang kanilang mga gawa.

Sa mundong ginagalawan ni Heart kung saan lahat ay dapat perpekto at maayos, isa ito sa mga nagpapatunay na ang fashion ay hindi laging kailangan mahal para magmukhang maganda.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!