Dahil Walang Kuryenta sa Kanilang Bahay, Sa Gilid ng Kalye na Lamang Nag-aaral ang Batang Ito Kaya Naman Biniyayaan Siya ng mga Netizens ng Kaunting Tulong




Minsan sa buhay ay kailangan nating pagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok para mas lalo tayong tumibay sa paglipas ng panahon. May mga pagkakataon na naiisip nating hindi na natin kaya pang lumaban ngunit hindi nagpapabaya ang Panginoon at nagpapadala siya ng mga tao na tiyak na makakatulong sa ating dinadalang pasanin. Ganito halos ang nangyari sa isang bata na kamakailan lang ay nakatawag ng pansin sa mga netizens dahil sa kakaibang paraan ng paggawa niya ng mga takdang aralin.

Ang naturang bata ay nakilala bilang si Aljin Buenaflor at ang kaniyang kwento ay ibinahagi ng concerned netizen na si Mirose Callores.

Gabi na noon at pauwi na si Mirose galing sa trabaho nang mapansin niya ang isang batang nakaluhod sa gilid ng kalye sa Barangay Bato na matatapuan sa Guihulngan City, Negros Oriental. 

Nakapwesto ito sa tapat ng poste ng ilawan habang abalang ginagawa ang kaniyang mga takdang aralin. Sandaling huminto si Mirose at palihim na kinuhanan ng larawan ang kalagayan ng bata. Lubos na naantig ang kaniyang puso sa nasaksihan kaya naman minabuti niyang ibinahagi ito sa social media para magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

Nagtagumpay nga si Mirose sa kaniyang hangarin at hindi niya akalaing magiging viral ang kaniyang post na siya ring naging daan para matulungan ang batang nakita niya sa kalye. 



Isa sa mga bumisita sa bahay nina Aljin at nagbigay ng tulong ang grupo ng mga riders na kilala sa pangalang TEAM EMPOWERED RIDERS. 



Sila ay nagmula sa Sagay City, karatig lungsod ng Guihulngan City. Habang suot-suot ang kanilang makukulay na uniporme ay masaya nilang iniabot kay Aljin ang isang solar kit na siyang magsisilbi niyang ilaw sa gabi kahit na wala silang linya ng kuryente sa kanilang bahay. Maliban dito ay mayroon din silang dalang school supplies at ibang groceries para sa batang napakasipag mag-aral at sa kaniyang buong pamilya.





Tunay ngang walang imposible sa buhay at kung gusto ay laging mayroong paraan kagaya na lamang ni Aljin na hindi nagpatalo sa kawalan ng ilaw sa kanilang bahay at sa mga netizens na hindi na nagpatumpik-tumpik sa pagtulong sa kanilang kapwa na nangangailangan.

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila