Dayuhang Namulot ng Basura sa Tabing-Dagat, Hinangaan sa Social Media!




Hinahangaan ng mga netizens ang isang dayuhan matapos makita itong namumulot ng basura sa may tabing-dagat ng Dipolog City, Zamboanga del Norte. Ang pagkukusang ito ng dayuhan ay kinabiliban ng mga netizens dahil maituturing siyang magandang ihemplo para sa mga pinoy na pangalagaan rin ang kapaligiran. 

Ang dayuhan ay kinilalang si Simo Aaltonen na taga Finland. Ayon sa panayam kay Simo, nililinis niya ang dalampasigan dahil umano maraming nakakalat na basura doon at nababahala siya na baka may masugatan ang mga tao sa mga basag na bote. 





Dahil sa pagmamagandang loob ng dayuhan, nakisali na rin ang ilang kabataan na nandoon at namulot na rin ng basura. Ilang sako rin ng basura ang kanilang nakolekta sa tabing-dagat. Saad pa ni Simo, maliit na bagay lamang ang kanyang ginawa para sa Dipolog. 

Ang mga larawan ay ibinahagi ni Rex Remitio kung saan umano ng maraming positibong reaksyon mula sa mga netizen. Ang Dipolog ay isang 3rd class city at capital ng probinsyang Zamboanga del Norte. Ayon sa sensus noong 2015, mayroon itong populasyon na 130,759. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga