Estudyante, Kinailangan Magbenta ng 35000KG na Pakwan Para sa Kanyang Tuition Fee!




Hindi lahat ng estudyante ay may determinasyong makapag tapos ng kolehiyo. Sa katunayan, maraming mga estudyante ang pumapasok lamang sa eskwelahan para makuha ang kanilang baon. Ngunit, ibahin natin ang isang Chinese na estudyanteng ito na nag tatrabaho para kumita ng perang pang bayad sa kanyang tuition fee.

Pangarap ng batang ito na maging isang pulis balang araw. Nugnit, dahil walang pang pinansyal na kapasidad ang kanyang mga magulang para pag aralin siya sa kolehiyo. Para kumita ng perang pang bayad sa kanyang tuition fee, kinakailangan niyang mag benta ng pakwan at ang kanyang layunin ay makabenta ng 35000kg prutas. Kikita siya ng labing-apat na libon Chinese Yuan o isang daan at isang libong piso para sa kanyang tuition fee kapag nabenta niya ito.





Nag viral ang kanyang kwento hindi dahil kinakailangan niyang mag benta ng napakaraming pakwan kung hindi dahil hindi niya tinatanggap ang mga donasyon mula sa ibang taong gusto siyang tulugan. Dahil dito, maraming mga netizens ang humanga sa kanya. Sinabi niya na ang magandang tulong na maibibigay sa kanya ay ang pag bili ng kanyang mga pakwan. Mayroon nalamang siyang dalawang buwan para makaipon ng perang kanyang kailangan.

Dahil siya ay kumikita ng isaang daang Chinese Yuan o pitong daan at tatlong pung piso, tila mahirap abutin ang kanyang layuning maipon ang perang kailangan niya para sa kanyang tuition fee. Nasubok ang kapalaran ni Li noong naak$idente siya at nasira ang kanyang motor. Dahil dito, kinakailangan niyang mag bayad ng isang libong Chinese Yuan o pitong libo’t tatlong daang piso para sa kanyang bill sa ospital.


Nalaman ng isang nurse ang kalagayan ni Li. Para tulungan siya, ibinahagi ng nurse na ito sa social media ang kwento ng bata. Madaling nag viral ang kanyang kwento at marami ang may gustong tumulong sa kanya ngunit tinangihan niya ito dahil para sa kanya, mas pipiliin niyang mag trabaho upang makamit ang kanyag mga pangarap. Kaya ang ginawa ng mga taong gustong tumulong sa kanya ay pinakyaw nila ang mga pakwan na binebenta ni Li. Sa ilang araw lamang, naka ipon si Li ng walong libong Chinese Yuan o limang pu’t walong libong piso. Dahil sa kanyang kwento, namulat ang mata ng ibang mga batang kasing edad niya na kailangan nilang pag hirapan ang isang bagay para maabot ang mga pangarap nila sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya