Failed Romantic Move ni Xian Gaza kay Nadine Lustre sa Pag-regalo ng Luxury Car sa Aktres Noong Valentine's Day




Wala pang isang buwan nang ilahad ng magkasintahang Nadine Lustre at James Reid na tapos na ang pagsasama nila bilang magkasintahan. Ibinahagi nila ang pahayag na ito sa isang kilalang Kapamilya show at nilinaw rin ang hiwalayan sa pamamagitan ng social media posts. Maraming netizens nga ang nasaktan sa nangyari lalong-lalo na ang 'JaDine' fans na halos hindi makapaniwala sa nangyari. 


Ganoon pa man, walang third-party na siyang dahilan ng hiwalayan at nais lang nila na maging magkaibigan muna at mag-focus sa kani-kanilang gusto sa buhay.

Sa kabilang banda ay maraming lalaki ang nagpapakita ng interes kay Nadine lalo na yaong mga matagal nang may gusto sa kaniya.



Isa na nga dito ang kilala sa pagiging viral sa social media at "convicted scammer" na si Christian "Xian" Gaza. Apat na araw bago ang mismong Valentine's day ay nagpost siya ng larawan ng mamahaling mustang car na kulay pula. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at nakaayos sa kalsada na parang isang malaking "bouquet".


"Dear Nadine Lustre, first of all, Happy Valentine’s Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo ‘tong ‘Bouquet of Mustang’ na regalo ko para sayo,”, caption ni Xian sa kaniyang Facebook post.


Umani ng napakaraming reaksyon at komento ang nasabing post mula sa mga netizens. Ang ilan ay napa-sana all nalang ngunit mayroon ding hindi natuwa sa ginawa ni Xian lalo na at kilala siya sa paggawa ng ganitong pagpapapansin sa mga babaeng nagugustuhan niya. Inamin niya naman ang ganitong pag-uugali at sa katunayan ay sinabi niya ito kasabay ng kaniyang Valentines post para sa aktres.



“Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich (Gonzales) last 2017," dagdag pa niya.


Sadya ngang bongga ang mga ginagawang paraan ni Xian para makasigurong mapapansin siya ng babae na kaniyang nagugustuhan. Ngunit tila ba iba ang nagiging dating nito sa publiko at marahil pati na rin sa mga babae na kaniyang inaalayan ng mga regalo kaya naman ganoon na lang ang pagpapaliwanag niya sa mga netizens.


"Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a ‘Bouquet of Mustang’ as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman," pagpapaliwanag pa ni Xian.


Sa huli ay binati niya si Nadine ng Happy Valentines at sinabing nais lang niya na maka-date ito sa espesyal na araw at wala na siyang ibang gusto pa maliban doon.


"..all I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less. Happy Valentines to you, Nadine."

Hindi napagbigyan ng aktres ang hiling ni Xian dahil mayroon na siyang naunang plano para sa araw ng mga puso at sa halip ay nagpasalamat nalang ito sa ginawang espesyal na effort para sa kaniya.

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila