Grab Food Driver na may Kapansanan, Niregaluhan ng Isang Sikat na Vlogger ng Electronic Bike!




Kadalasan ang pagrereklamo ay parte na ng buhay natin, ito man ay tungkol sa mabigat na trapiko, mahahabang pila, panahon, klima at marami pang iba. Marami rin ang nagsasawa na sa pagod na dinaranas araw-araw sa pagta-trabaho o pag-aaral ngunit ang bida sa artikulong ito ay hindi nagpapadala sa ano mang hamon ng buhay kahit ito pa ay may kapansanan.

Siya si Kuya Joy, isang 47 anyos na Grab Food rider na mayroong isang binti na lamang. Sakay ng bisikleta nito ay nagde-deliver ito ng pagkain sa mga taong umo-order sa nasabing app.


Dahil sa kakulangan ng isang binti ay ginagamit nito ang saklay nito bilang alalay sa pagpepedal, bagay na sadyang mahirap gawin pero buong sipag nitong tinatiyaga para kumita ng pera. 



Ang kahanga-hangang dedikasyon nito sa pagbabanat ng buto ay napansin ito ni Basel Manadil na kilala sa social media bilang the Hungry Syrian Wanderer. 


Naantig ang puso ng vlogger at lubos itong napahanga, kaya naman nagdesisyon itong regaluhan si Kuya Joy ng sarili nitong e-bike. Malaki ang maitutulong nito sa kanya dahil hindi na siya mahihirapan pang magpidal ng bisikleta at mas magiging kumportable na rin ito sa byahe. 



Hindi hamak na mas ligtas rin ang bago nitong bike dahil may dalawang gulong ito sa likod kaya hindi nito kailangan pang balansehin ang katawan nito tuwing ito ay nakasakay. May lalagyanan rin ito sa harapan at bandang likod at mayroon na ring bubong sa itaas na magsisilbing proteksyon nito sa matinding sikat ng araw at ulan.


Ibinahagi ni Basel ang kwento ni Kuya Joy sa Facebook nito kalakip ang mga litrato kung saan isa sa mga iyon ay makikita itong sakay ng dati nitong bisikleta at ang isa naman ay nakasakay at masayang nakangiti ang masipag na rider sa kanyang bagong e-bike. 


Ayon kay Basel, mula nang makilala niya si Kuya Joy ay mas napagtanto niya kung gaano kahalaga ang maging mapagpasalamat sa mga biyayang dumarating sa buhay natin gaano man kaliit o kalaki. Paglilinaw rin nito ay bukal sa kalooban nito ang pagtulong kay Kuya Joy at hindi iyon sponsored ng ano mang brand o kompanya. 


Ang nasabing post ay nag-viral at umani ng maraming magagandang komento mula sa mga netizens patungkol kay Kuya Joy dahil sa kasipagan nito at pati na rin kay Basel dahil sa kagandahang loob na ipinamalas nito.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito