Guro Nagbibigay Ng Regalo Sa Kanyang Mga Honor Students Para Mas Lalo Pa Silang Ganahang Mag-aral


Malaking pagsubok sa buhay ng isang guro ang panatilihing motivated ang kanyang mga estudyante na pumasok sa eskwela araw-araw at mag-aral ng mabuti. At bawat guro ay may kanya-kanya ring paraan upang maisakatuparan nila ito.

Minsan hindi sapat ang pag-papaalala lang sa mga estudyante na mag-aral sila ng mabuti upang makakuha sila ng mataas na grado. Kaya naman ang ibang mga guro ay gumagawa o humahanap ng ibang paraan upang mas ma-enjoy ng kanilang mga estudyante ang pag-aaral. At isa sa mga paraang ito ay ang pagbibigay ng recognition at award.

Ang guro na si Lemuel Java ng Ramon Torres National High School sa Bago City, Negros Occidental ay nagbibigay ng simpleng regalo sa kanyang mga estudyanteng nakakakuha ng mataas na grado. 

Pagkatapos ng bawat grading period ay nagpapagawa ito ng mga certificates sa kanyang mga honor students at binibigyan niya ang mga ito ng simpleng regalong personal niyang binibili. Kahit na sa kanya mismo galing ang gastos sa mga parangal na ito ay isinasakripisyo na lamang niya ito para na lang sa kapakanan ng kanyang mga estudyante.

Gusto rin kasi niyang iparamdam ang appreciation niya sa kanyang mga estudyanteng nagsusumikap makakuha ng mataas na grado kaya niya ginagawa ang paraang ito simula pa noong una siyang magturo.

Caption niya sa kanyang post,

"Simple treats for my 3rd grading list of students with honors. Congratulations."

Makikita sa larawan ang mga certificates na kanyang ibibigay, Stick-O at makukulay na ballpens.

Simple man ang paraan niyang ito ay tiyak na mas ginaganahan ang kanyang mga estudyante na mag-aral ng mabuti.

Dagdag niya,

"I just want to make them feel appreciated sa mga efforts nila. In my own little way masarap din sa feeling na, na-aappreciate din nila yung binibigay ko. Since nag start ako sa aking teaching profession, yes lagi ko na to ginagawa sa advisory ko na nakakakuha ng honor."

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa