Hindi Designer Pero Ang Galing! Supportive Na Kuya Nagawan Ng Agaw Eksenang Gown Ang Kanyang Kapatid Na Gagamitin Sa Prom


Napakasarap magkaroon ng isang kapatid na todo ang suporta sa iyo. Kaya naman kung mayroon lamang sigurong "Best Kuya Award" sa taong ito ay nanalo na ang isang kuyang ito dahil sa kanyang effort na mabigyan ng magandang gown ang kanyang kapatid na gagamitin nito sa kanilang JS prom.

Alam naman natin kung gaano kamahal ang bumili, magpa-tahi o magrent ng mga gowns lalo na sa mga panahong kailangang magsuot nito tulad ng mga school proms. Kaya naman dahil sa kagustuhan ng isang kuya na makapagsuot ang kanyang kapatid ng magandang damit sa prom ay personal niya itong ginawan.

Ang kuya na nakilala bilang si Maverick Francisco Oyao, isang Culture and Arts Education student ay ibinahagi ang kanyang pinagdaanan habang ginagawa ang gown ng kanyang kapatid. Hindi siya isang designer at walang karanasan sa paggawa ng mga bonggang gown, ngunit nakakamangha ang kanyang naging creation na ginawa lamang niya sa loob ng isang linggo.

Makikita sa isang larawan ang kanyang iginuhit na disenyo ng gown. 
Wika niya na hindi niya inaakalang magagawa niya ito on time. Noong una ay nagduda pa siya sa kanyang sarili kung magagawa niya ba ito o hindi dahil nagsimula lamang ito bilang isang konsepto at ngayon ay ginagawa na niya ng aktuwal.

Sa maikling panahon ng preparasyon mula sa pagpili ng tela, pagtabas, pagtahi at pagdidisenyo nito ay nakayanan naman niya itong matapos kahit na siya rin ay pumapasok sa eskwela bilang isang estudyante. 

Mensahe niya sa kanyang kapatid,

"I've done my part very well as your supportive kuya and hinding hindi ako magsasawa na suportahan ka pramis ni kuya mo yan sayo. Di man natin nakuha ang wish mo na best dress pero for me it was the best dress and the best kasi ikaw me suot. Mahal na mahal ka ni kuya mo."

Hindi man napili bilang best dress ang kanyang kapatid sa kanilang prom ay masaya pa rin si Maverick sa accomplishment na kanyang pinaghirapan. At tiyak naman na napasaya rin niya ang kanyang nakababatang kapatid.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!