Hinintay ng Teacher na Ito ang Pitong Taon Para Mapakasalan ang Kaniyang Estudyante Noon




Nasubukan mo na bang umibig? Sabi nila kakaiba daw sa pakiramdam ang magmahal ng isang tao at kapag pag-ibig na ang pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod lamang ang itinitibok nito.

Totoo ngang mahirap pigilan ang isinisigaw ng ating damdamin lalo na kung ito ay para sa natatanging tao na gusto nating makasama habang buhay. 

Sa katunayan ay kahit na anupamang estado sa buhay o panlabas na anyo ay hindi mahalaga basta siya na ang itinuturo ng ating puso. Kagaya na lamang ni Vinda, estudyante sa Indonesia na nahulog ang loob sa kaniyang guro.

Labintatlong taon palang noon si Vinda nang mapansin niyang mayroon siyang kakaibang pagtingin sa guro na si Erwin, 24-taong gulang. Dahil dito ay ginagawa niya ang lahat para mabaling sa kaniya ang atensiyon ng guro. 


Madalas siyang maging aktibo sa klase at nagtatanong kung kinakailangan para matawag ang kaniyang pangalan. May mga pagkakataon din na nakakasama niya ang guro sa labas ng klase kasama ang iba niya pang kamag-aral.



Habang tumatagal nga ay mas lalong tumitindi ang pagtingin ng dalaga sa kaniyang guro hanggang sa dumating ang pagkakataon na malaman na rin ito ni Erwin. Simula noon ay nag-umpisa na rin itong magkagusto sa kaniya nang palihim at matagal ding itinago ang nararamdam para na rin sa ikabubuti nilang dalawa.


Nang dumating nga sa hustong gulang ay niligawan na ni Erwin si Vinda at agad naman itong sinagot ng dalaga. Matagal din na naging magkasintahan ang dalawa at kahit na mayroong mga tao na hindi mapigilang humusga at tumutol sa kanilang relasyon ay hindi sila natinag bagkus ay naging daan pa ito para mas lalong tumibay at tumagal ang kanilang pagsasama.


Makalipas ang halos pitong taong paghihintay ay ikinasal na rin sa wakas sina Vinda at Erwin noong 2018. Masaya silang humarap sa altar at ipinakita sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan na walang pinipiling edad o kalagayan sa buhay. 




Hindi nagtagal ay nabiyayaan din sila ng mga anak na siyang nagdagdag ng ligaya sa kanilang buhay bilang mag-asawa.


Patunay lang sina Erwin at Vinda sa sinasabi nilang "true love" at mga taong nakatadhanang magsama habang buhay.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging