Inspiring na Kwento ng Lalaki Kung Paano Nakabangon Matapos Siyang Ma-Scam, Naghirap at Nadapa sa Buhay!




Sadyang mapaglaro ang tadhana at mayroong mga pagkakataon na kahit anong sipag at pagtatiyaga natin ay paulit-ulit tayong natatalo at nadadapa. Ngunit sabi nga nila walang imposible sa taong nagpupursigi sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap kahit gaano pa man ito kahirap.

Isang halimbawa na nga dito ang lalaki na kamakailan ay naging viral sa social media at naipalabas pa ang kwento ng buhay sa "Rated K", isang Kapamilya network.

Nakilala siya bilang si Sherwin Gonzales at simula't sapul ay mahilig na siyang dumiskarte para kumita ng pera. Nariyan na pagkokolekta ng mga basura para ibenta hanggang sa makapasok sa mundo ng "buy-and-sell" ng mga kotse. Doon ay malaki-laki rin ang kaniyang kinikita at kahit papaano ay nagkakaroon silang mag-asawa ng ipon. 


Ngunit dumating ang panahon na mayroon siyang nakilalang kakaibang buyer dahil hindi nito alintana ang presyo ng mga sasakyan at hindi man lamang tumawad kahit na gaano pa ito kamahal.



Nang malaman ni Sherwin na kumikita pala ito ng umaabot sa Php 600,000 kada linggo ay naingganyo din siyang mag-invest sa negosyo nito. Dahil wala pang sapat na ipon ay nanghiram muna siya sa bangko kung saan umabot sa Php 2 million ang kaniyang inutang!


Noong una ay maganda ang nagiging balik ng pera sa kaniya ngunit bago pa man magkaroon ng tubo ang kaniyang investment ay hindi na niya muli pang nakita ang lalaki at doon na siya nanlumo.



Na-scam nga si Sherwin at kasabay nito ay ang pagguho ng kaniyang mundo at mga pangarap. Nagsunod-sunod ang mga tawag at liham mula sa bangko patungkol sa hiniram niyang pera. Umabot pa nga daw sa punto na pati pangkain at tuition ng kaniyang anak ay kailangan nilang ilapit sa kaniyang mga magulang at kaibigan.

Sa kabila nito ay hindi siya nagpatalo sa laban ng buhay at muli siyang bumangon na mas maingat na kumpara dati.


"Lahat ng puwedeng pagkakitaan na laway ang puhunan ginawa ko para makabangon," paglalahad niya sa isang panayam.

Dahil dito ay unti-unti siyang nakapagbayad sa kaniyang mga utang at nagkaroon ng maraming negosyo at iba pang pagkakaitan. Sa kasalukuyan ay naipatayo niya din ang "dream house" nilang mag-asawa sa Binangonan, Rizal at masasabi ngang maganda na ang estado ng buhay nila kumpara dati.





Sa huli ay nag-iwan si Sherwin ng isang mahalagang mensahe para sa lahat at narito ang kaniyang sinabi:

"Huwag mong iasa ang pag-asenso mo sa ibang tao."

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging