Inspiring Story ng Isang Lolo na Pedicab Driver at Patuloy ang Paghahanap Buhay sa Likod ng Katandaan!




Nadurog ang puso ng mga netizens matapos malaman nila ang kalagayan ng pedicab driver na lolo kung bakit patuloy pa rin siya sa paghahanapbuhay kahit mabagal na. Umantig sa mga netizens ang mga salitang binitawan ni lolo Nanding kung bakit kinakailangan pa rin siyang magtuloy sa pagkayod sa kabila ng kanyang edad.

Ayon sa post ni Joana Karyl Alforte Arce‎, ang tanging sagot ni lolo sa mga pasaherong madalas magreklamo sa kanya ay dahil kailangan niyang kumita ng pera upang may pambili ng bigas. Ayon umano kay lolo kaya naman daw niyang magpadyak pa ngunit mabagal na lamang dahil na rin sa kanyang edad at malakas rin ang hngin. Hindi nabanggit ni Joana ang kompletong pangalan ni lolo Nanding ngunit nagpepedicab driver siya ngayon sa may Cavite. Makikita naman sa kanyang larawan na may edad na si lolo ngunit malakas pa rin ito gaya ng kalabaw. 



Samantala, sa comment section may isang netizen ang nagbahagi ng kompletong pagkakakilanlan ni lolo Nanding. Ayon kay Maritoni Amigo, ang buong pangalan ni lolo at Fernando Villagonza at may edad na 75 years old at nakatira sa 303 T.gomez st Quadra brgy 22 m-leo. Marahil ang pagpepedicab driver lamang ang alam ni tatay, lalo pa at ito na ang bumuhay sa kanyang pamilya noon pa man. Hiling ng ilang mga netizens, habaan pa ang pasensya dahil maging si lolo ay nangangailangan rin ng pagkakakitaan. 

Nagsilbi ring inspirasyon si lolo sa lahat dahil sa kanyang kasipagan. Kahit matanda na ito ay wala pa rin itong tigil sa pagkayod para makatulong sa kanyang pamilya. Nag-viral naman ang naturang post at maraming netizen ang nais magpaabot ng tulong kay lolo. Umabot na ng 10,000 shares ang post at mayroon na ring 16,000 reactions. Sa post naman ni netizen Angela Mojica II, ibinahagi niya ang larawan kung saan binigyan nila ng groceries si lolo. Kasama naman sa larawan nag misis ni lolo Nanding.


Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse