Isang Ama, Nagtiis ng 3 Days sa Paghihintay sa Labas ng Isang Shoe Store Para Maibili ang Sapatos ng Kaniyang Anak






Ang mga ama ay kilala natin bilang masisipag na haligi ng tahanan at talaga namang gagawin ang lahat para maibigay ang mga pangunahing pangagailangan ng kaniyang pamilya.

May mga pagkakataon rin na kahit may kamahalan ang mga bagay na nais bilhin ng kanilang mga anak ay pinagsisikapan nila itong maibigay mapasaya lang ang mga ito. 

Isang ama nga na nagmula sa Taiwan ang kamakailan lang ay naging viral sa internet matapos siyang makuhanan ng larawan ng isang concerned citizen habang matiyagang nag-aabang sa labas ng Addidas store. 


Sa isang report ng Taiwan Apple Daily ay nakilala ang lalaki sa apelyidong Li, 44 taong gulang at nagtatrabaho bilang isang driver. Nag-aabang siya sa labas ng Addidas store na matatagpuan sa Taichung, Taiwan dahil nais niyang makabili ng limited edition na sapatos na may modelongYeezy Boost 350 V2 Black. 


Pumila na siya ng mas-maaga dahil alam niyang dadagsa ang mga tao para mabili ang nasabing sapatos at sa katunayan ay pang-20 na siya sa pila ng mga tao na halos aabot na sa 300 o higit pa. 

Hindi naglabas ng bilang ang Addidas store kung ilang pares ng sapatos ang kanilang ibebenta na may ganoong modelo ngunit nakipagsapalaran na rin si Li. 


Ayon pa sa nasabing interview, tatlong araw ng hindi umaalis sa pwesto si Li sa takot na masingitan siya ng ibang tao kaya naman doon na siya natutulog gamit ang dala-dala niyang karton. 


Ang nasabing sapatos ay nagkakahalaga ng 8,000 Taiwan dollar o di kaya naman ay humigi’t kumulang 13,000 pesos! Malaking halaga ito para sa isang sapatos ngunit bukal sa loob ni Li na gamitin ang naipong pera mula sa pagmamaneho para mabigyan ang anak ng pabuya dahil magaganda ang mga grado nito sa paaralan. 


Tunay ngang may malambot na puso rin ang ating mga ama kahit madalas ay nakikita natin silang matapang at palaban sa buhay. Nawa ay nakuha ni Li ang nasabing pares ng sapatos para sa kaniyang mga anak at mapasaya niya ito sa ginawa niyang sorpresa.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse