Isang Construction Worker sa China, Tumatambay sa Subway Gabi-gabi Upang Makatipid at Makausap ang Asawa Gamit ang Libreng Wifi




Hindi biro ang magtrabaho lalo na kung may kailangan kang suportahan na pamilya. Halos lahat ng mga magulang, lalo na ang mga tatay, ay talagang nagsusumikap para lamang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya lalong-lalo na kung para sa kanilang mga anak. 

Sa hirap ng buhay ay marami sa kanila ang kailangan pang lumayo at maghanap buhay sa ibang lugar kung saan mas may magandang oportunidad upang sila ay kumita ng mas malaki, ito rin mismo ang nararanasan ng isang lalaki na trabahador sa China.

Si Ge Yuangzheng ay isang Chinese migrant na manggagawa mula sa probinsya ng Henan sa central China. Nagtatrabaho ito bilang isang contruction worker sa Shanghai at kumikita ng mula 200 hanggang 300 yuan o 30 hanggang 40 US dollars kada araw. 




Naiwan nito ang pamilya nito sa kanilang probinsya at ang tanging paraan upang makausap niya ito ay sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone. 

Dahil sa kagipitan ay tinitipid nito ang sarili at ang lahat ng kaunting naiipon nito na pera ay inilalaan nito para sa kanyang pamilya. Nanunuluyan lamang ito sa isang maliit na dormitoryo kasama ang kanyang mga katrabaho.


Tuwing gabi ay tumatambay ito sa isang subway upang makigamit ng libreng Wi-Fi para matawagan nito ang pamilyang malayo sa kanya. Ayon rito ay ayaw nitong gumastos ng pera ngunit labis-labis ang pagka-miss nito sa pamilya. 

Pumupunta ito sa istasyon sa pagitan ng 7 at 8 ng gabi. Isang tao na napadaan ang nakakita kay Ge habang nakikipag-usap ito isang gabi sa subway, kinunan siya ng litrato nito at ibinahagi ang kanyang kwento sa social media. 




Ang nasabing post ay madaling nag-trending at marami ang naantig ang puso para sa butihing haligi ng tahanan.

Sa kabilang dako naman ay napag-alaman na maging ang may-bahay pala nito ay dumidiskarte lang rin upang makausap ang asawa, nakikigamit lang rin daw ang kanyang misis sa Wi-Fi ng kapitbahay tuwing sila ay nag-uusap. Sila ay may dalawang anak, isang lalaki at isang babae. 


Ang lalaki nilang anak ay nagta-trabaho na rin habang ang kanilang anak na babae naman ay nag-aaral sa kursong Nursing at nagbabayad sila ng matrikula nito na umaabot ng 30,000 yuan o $4,646 kada taon, kaya naman todo kayod talaga si Ge. Ayon rito, plano nitong umuwi sa kanila sa Chinese New Year at nais niyang bilhan ng bagong cellphone ang kanyang misis.

Comments

  1. Hanga ako sa kasipagan at dedikasyon nya sa buhay. Oo nga naman. Hindi madali ang mahiwalay sa pamilya para lang may sapat na pagkakakitaan..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!