Isang Lalaki ang Successful sa Pagtanim ng Kauna-Unahang Puno ng APPLE sa Pilipinas!




Tinagurian ang mansanas bilang isa sa mga pinaka-popular na prutas sa buong mundo at halos lahat nga ng tao ay paborito itong kainin. Maliban kasi sa malutong at malinamnam nitong lasa ay maganda rin para sa ating katawan ang ganitong uri ng prutas dahil nagtataglay ito ng mineral at bitamina na nakakatulong upang mapabuti ang ating kalusugan. Sa katunayan ay naisama pa nga ito sa popular na kasabihang "An apple a day keeps the doctor away."



Ganoon pa man, hindi madali ang pagpapatubo ng puno ng mansanas dahil madalas kailangan nito ay malamig na klima para mabuhay at mamunga ng maganda. Kaya naman madalang ang ganitong uri ng prutas sa mga bansang kagaya ng Pilinas na mataas ang temperatura.



Kaugnay nito, isang graduate student na nagtapos sa State College's Agriculture Technology na matatagpuan sa Davao del Sur ang naging viral sa social media matapos niyang ibahagi ang matagumpay na pamumunga ng mga mansanas na kaniyang itinanim.


Siya ay walang iba kundi si Benzone Kennedy Franes Sepe. Nag-umpisa siyang magtanim ng tatlong buto ng mansanas noong 2014. Makalipas ang ilang buwan ay isa nalang ang natirang buhay sa mga butong itinanim niya kaya naman lubos niya itong inalagaan. 


Sa pamamagitan ng mga natutunan niya sa paaralan kung papaano magpalaki ng isang halaman at sa tulong na din ng internet ay tumagal nga ang nag-iisang puno at di kalaunan ay namunga ito!

"I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way on the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure," pagbabahagi ni Kennedy sa kaniyang Facebook post.




Sa larawan na kaniyang ibinahagi sa social media ay kitang-kita ang ngiti sa mga labi ni Kennedy habang hawak-hawak ang prutas ng mansanas mula sa itinanim niyang puno. Maliban sa mga larawan ay nakuhaan din ng video ang mismong pamimitas niya ng prutas at ibinahagi ito sa kaniyang YouTube channel na 'Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone'.


Ayon sa kaniyang pagsusuri ay walang pinagkaiba ang lasa nito sa commercial na mansanas at malutong ito kagaya ng inaasahan.

"I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness are still there", dagdag pa ng binata.

Maituturing nga na ito ang kauna-unahang matagumpay na pagpapatubo ng mansanas sa bansang Pilipinas kaya naman hindi nakakapagtakang umani ng maraming reaksyon at komento ang nasabing post ni Kennedy. Marami rin sa mga netizens ang humingi sa kaniya ng payo upang sila man din ay makapagtanim ng puno ng mansanas sa kanilang bakuran.


Good job Kennedy! Nawa ay ito na ang umpisa para magkaroon tayo ng sariling plantasyon ng mansanas at nang sa ganoon ay hindi na natin kailanganin pang mag-angkat mula sa ibang bansa.

Comments

  1. Congrats sayo Mr.Kennedy Naway maging malawak pa ang Area ng iyong Apple plantation

    ReplyDelete
  2. congrats you did it..
    sana tularan ka ng mga kabataan
    pag may utinanim may aanihin

    ReplyDelete
  3. Congratulations sir, Sana dumami pa yang puno ng Apple n naitanim mo...

    ReplyDelete
  4. Wow, congrats to our fellow Filipino, successful Apple plant ๐Ÿ‘❤๐Ÿ‘

    ReplyDelete
  5. Wow amazing๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ

    ReplyDelete
  6. Nagtry ako 2013 .tulad ng sabi mo sa dami kong ipinunla.รฌlan lanv ang tumubo.napabayaan ko lang kaya d nagtuloy..by the way gud luck po

    ReplyDelete
  7. tutubo tlaga yan sa lugar dito sa paanan ng Mt. Apo, malamig ang klima, try to se the real tree guys, i've been there! @kapatagan a very wow place to wander!

    ReplyDelete
  8. I'm sorry but I have to contest this, my oldest brother had a few trees during the 90's in our backyard. We did enjoy a few fruits before they stopped bearing when my brother had to go away and nobody took care of the plants.

    ReplyDelete
  9. Gusto ko ringagtatanim perovpapano?

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito