Isang Netizen, Gumawa ng Palabunutan Para Hindi na Mahirapang Mag-isip ng Uulamin sa Bahay!




Isa sa kalbaryo ng bawat Pilipino araw-araw ay ang ulam na lulutuin sa tanghalian. Karamihan sa atin ay nahihirapang mag-isip ng putaheng lulutuin kaya naman kung minsan ay bumubili na lamang ng ulam sa labas. Kung may pera mas madaling bumili na lamang ng pagkain sa labas, ngunit kapag gipit at nagtitipid ay dapat talagang magluto na lamang sa bahay.

Dahil inaabangan ng bawat pamilya ang mga pagkain na nasa hapagkainan, nagkakaroon muna ng diskusyon at suhewesyon ang isa’t isa upang mapaghahandaan ang iluluto. Kaya naman malaking suliranin para sa tagapagluto kung hindi kaagad makapag-isip ng lulutuing pagkain. Dahil nga rito, isang netizen ang nagbahagi ng ideya kung paano masosolusyonan ang problema ng mga Pilipino para mas mapadali ang pag-iisip ng uulamin.





Gamit ang panulat, papel, at garapon ay ibinahagi ni netizen Beng Onacle ang kanyang paraan upang makatulong sa mga misis o sinumang miyembro na tagapagluto sa bahay ang kanyang ideya sa mabilis na pag-iisip ng putaheng uulamin. Gumawa si Beng ng palabunutan kung saan isinulat niya sa maliit na papel ang mga klase-klaseng ulam. Sa palabunutang papel ay may nakasulat na pininyahang manok, tortang talong, monggo, tinola, sinampalukang manok, pritong itlog, adobong baboy, ginisang petchay nilagang baka, sinigang na baboy, pritong isda at shanghai.

Mayroon pa gaya ng menudo, chopsuey, pares, fried chicken, paksiw na isda, at ginataang gulay. Ayon kay Beng, sa paraang ito ay mas madali na siyang makakapag-decide ng uulamin nila. Mas masarap nga naman ang mga lutong-bahay, kaya naman karamihan sa mga pinoy ay mas nais magluto kaysa bumili ng ulam. Tuwang-tuwa ang mga netizens sa ibinahagi ni Beng kaya naman umabot na sa 15,000 ang shares ng kanyang post. Madaming netizen ang nagustuhan ang ideya ni Beng dahil malaking tulong nga naman ito upang mapadali ang pagiisip ng kung ano ang lulutuin.


Comments

Popular posts from this blog

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400