Jeep na May Dalawang Manibela, Trending Ngayon sa Social Media




Hanggang ngayon bahagi parin ng pagiging Pilipino ang pagsakay ng mga jeepney o ang tinatawag natin na Hari ng Kalsada or Hari ng Daan. Hindi kasi maitatanggi na isa ito sa pinaka ginagamit na pampublikong transportasyon sa buong Pilipinas ng mga Pinoy lalo na kung madalas kang nagbiyabiyahe sa kalakhang Maynila.

Pero sa dinami-rami ng mga jeep sa araw araw na makikita mo sa kalsada, aakalain mo bang isa sa mga ito ay may dalawang manibela? Isang kwento ng netizens na nagngangalang Ed Halili ang nag-viral sa facebook ng makakita ng isang jeep at kaniyang inupload na mayroong manibela na nakapwesto sa unahan din ng jeep na bukod pa ito sa ginagamit ng tsuper. Akala pa nga daw ni Ed ay siya pa ang mag mamaneho pagkaupo nito sa harapan.





Kinabahan daw siya dahil akala niya ay siya ang magpapaandar nito. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 26K reaksyons at 32K shares ang naturang post. Kinaaliwan din ng mga netizens ang kakaibang jeep na ito at naisipan na ihalintulad sa ibang bagay. Sabi ng netizen na si Jemuel Fajardo, parang eksena ito na habang naglalaro ka at gusto din maglaro ng iyong kapatid kaya binigyan mo ito ng controller na hindi nakasaksak. 

Komento naman ni Ken Garais, gusto niyang Masubukan umupo doon balang araw. Nagsimula ang kasaysayan ng jeep noong 1950 sa Pilipinas at nang lumaon, ito ay naging solusyon para sa post-war public transportation problem at naging simbolo na ito ng ating kultura at tumatak bilang classic trademark ng pagka-Pinoy.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging