Kawawang Matanda, Nawalan Ng Hanap Buhay Sa Pagtitinda Matapos Siyang Palitan Na Lamang Ng Isang Vending Machine


Dahil sa patuloy na pag-usbong ng ating teknolohiya, mas napapadali ang ating buhay dahil sa iba't ibang imbensyon tulad ng paggamit ng mga high tech at computerized na mga gamit. Mayroon ding mga sitwasyon na kung saan mga machine na lamang ang mga ginagamit at hindi na kinakailangan pa ng manpower katulad na lamang ng mga automated teller machines (ATMs) at mga vending machines.

Sa ganitong paraan, ang ilan sa mga nagtitinda ay nawawalan na ng hanap buhay dahil mas tinatangkilik na ng ilang mga establisyemento ang paggamit ng makabagong teknolohiya.

Katulad na lamang ng isang matandang babae na nawalan ng hanap buhay kahit na halos 60 taon ng nagtitinda ng mga inumin sa isang eskwela.

Kwento ng isang netizen na si Pearl Chang, ang kanyang lola ay matagal nag-ooperate ng isang drink stall sa kantina ng Singaporean's Chinese Girl's School simula pa noong 1950s. Araw-araw ay nagigising siya ng maaga upang paghandaan ang kanyang mga itinitinda.

Sa matagal niyang panahon na pagbebenta doon ay marami na siyang mga naging kaibigang mga estudyante at naging parte na rin siya ng school community.

Ngunit biglang isang araw na lamang noong Hunyo 2019 ay napagpasyahan ng paaralan na iwasan na ang pag-offer at pagtitinda ng mga matatamis na inumin sa kanilang mga estudyante. Kaya naman ang kawawang matandang tindera ay hindi na pinayagaang magtinda muli ng mga samalamig.

Nawalan rin siya ng pwesto sa paaralan at kung magtitinda man siya ay may kahati siya sa pwesto at tubig na lamang ang kanyang pwedeng ibenta sa mga bata.

Pagsapit ng Nobyembre noong ding taon na iyon ay napagpasyahan ng matanda na isarado na lamang ang kanyang maliit na pwesto. 

Ngunit ang mas nakakalungkot pa ay matapos ang kanyang pag-alis ay pinalitan ang kanyang dating drink stall ng isang vending machine na mga matatamis na mga inumin rin ang binebenta. Na kung tutuosin ay taliwas sa naging desisyon noon ng paaralan na ititigil na ang pagbebenta ng mga matatamis na inumin.

Kaya naman ang mga estudyante ay pumirma ng isang petisyon upang ibalik ng eskwela ang dating pwesto at kabuhayan ng matanda. Pero hanggang ngayon ay nananatili pa ring nag-ooperate ang vending machine. 

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa