Lalaki, Kinaaliwan Sa Post Na "Ano Oras Kaya Titigas Itong Semento" Dahil Hindi Makauwi Sa Kanyang Bahay



Image from Facebook/ Don Aguilar Navarro, Google Images

Naiintindihan naman nating lahat ang kaliwaang pag-aayos at pagse-semento ng mga daan at kalsada dahil sa proyekto ng ating g0byerno na road widening. Malaki kasi ang maitutulong nito sa ating pagbi-biyahe lalo na't kapag natapos ng ma-semento ang mga daan. 

Ngunit sa kasalukuyang sinesemento ang mga daan ay hindi naman maiiwasan na magkaroon ng traffic dahil sa pagre-reroute ng mga daan o di kaya dahil sa pasikip ng mga linya sa kalsada. Pero ang isang netizen na ito ay mas malaki ang kanyang naging problema dahil sa bagong sementadong daan sa kanila.

Kinaaliwan ng mga netizens ang post sa social media ng isang lalaki na nakilala bilang si Don Aguilar Navarro. Sa larawan na kanyang ibinahagi ay makikita ang harap ng kanilang bahay na mayroong bagong buhos na semento.

Caption niya sa kanyang post,

"Tambay muna dito sa labas ng bahay. Hindi ako makauwi ano oras kaya titigas tong semento."

Ang mahirap sa kanyang naging sitwasyon ay pagkauwi niya galing trabaho ay ganito pa ang kanyang madadatnan ni wala man lang ibang madaanan papasok sa kanilang bahay. Kaya kung ikaw ay nasa labas ay hindi ka makakapasok at kung ikaw naman ay nasa loob ng bahay ay tiyak na hindi ka rin makakalabas.

Kung sakaling pilitin man niyang umuwi at pumasok sa kanilang bahay ay masisira ang pagkakasemento at mag-iiwan pa ito ng mga bakas ng sapatos. Kaya 'no choice' ang lalaki kung di hintayin muna niyang tumigas at matuyo ito.

Narito ang ilang nakakatuwang komento ng mga netizens tungkol dito.

"So near yet so far."

"Paypayan mo na lang sir para mabilis matuyo. hahaha"

"Tol dalan nalang muna kita ng tent dyan tska kahoy tamang bonfire."

"Kung ako yan tatakbuhin ko papasok sa gate ng bahay para may malupit na remembrance."

May mga netizens na nanghingi ng update kung nakauwi na ba ang lalaki at sa isang komento ay sinabi niya na inumaga na raw itong nakauwi dahil sa paghihintay na matuyo ang semento.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!