Lalaki na Nag-ipon ng Barya Pang Bili ng Milktea, Pumukaw sa Puso ng mga Netizens!



Marami ang nakakuha ng atensyon ng lalaking ito matapos siyang mag ipon ng barya upang maka bili ng milktea kagaya na lamang ng mga taong nakikita niya. Hindi pare-pareho ang istado ng mga tao sa buhay. May ibang mga tao na kayang gumastos para sa kanilang mga luho at masasarap na pagakain at may iba naman na hindi kayang kumain ng tatlong beses kada araw dahil sa kakulangan sa pera. Hindi maikakaila na ang mga taong ito ay nag tataka kung ano ang lasa ng mga pag kain sa mga mall at mamahaling restaurants. 




Noong kamakailan lamang, nag post ang isang netizen na nag ngangalang Lenmar Davidon sa kanyang Facebook account tungkol sa isang lalaking gumawa ng paraan upang malasahan ang milk tea na pinipilahan at pinupuntahan ng mga tao sa mall. Ayon sa post ni Lenmar, maraming tao ang bumibili ng milk tea at noon ay may isang lalaki ang lumapit sa counter habang may dala dalang barya. Ipinabilang ng lalaki ang kanyang barya sa isa sa mga staff ng milktea shop at tinanong kung sapat ang kanyang naipong pera pang bili ng sikat na milktea.


Dahil sa kanyang nakita, nakakuha siya ng aral na kung may gusto kang bagay ay dapat daanin mo ito sa sipag at tiyaga habang naka focus ang iyong sarili sa minimithi mong pangarap. Namangha si Lenmar kung paano tinulungan ng mga staff ang lalaki sa pag bibilang ng kanyang pera. Nag viral ang post ni Lenmar at umani ito ng maraming likes and shares mula sa mga netizens. Ayon sa mga comments, may isang mabait na tao ang nang libre sa lalaki para sa isa pang milktea na pwede niyang kunin kinabukasan o kung kelan man niya gugustuhin.  

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse