Lalaki, Nakabili Ng Kanyang Sariling Ford Mustang Dahil Sa Paglalaro Ng Mobile Games



Para sa ibang tao, ang paglalaro ng mga mobile o online games at pagbababad sa computer kakalaro ay walang kapupuntahan. Marahil ang iniisip ng ilan ay nasasayang lamang ang oras sa ganitong bagay imbes na nagtatrabaho na lamang sila upang kumita ng pera. 

Ngunit ang isang lalaking ito ay nagpatunay na ang kanyang paglalaro ng mga mobile games ay kanyang napagkakakitaan at nabili pa niya ang kanyang dream car!

Nakilala ang 27 taong gulang na lalaki bilang si Faris Zakaria, isang Malaysian e-sports gamer. Ilang taon na siyang sumasali sa mga mobile gaming competitions at nananalo ng pera. Marami ang hindi nakakaalam na mayroon ding palang totoong perang kinikita sa pagiging isang professional gamer.

Bukod sa paglalaro ng mga online games ay kumikita rin siya sa pag-stream niya ng kanyang mga Mobile Legend game plays. At sumali sa iba't ibang kompetisyon tulad ng SEA Games na ginanap sa Pilipinas na kung saan ang kanyang team ay nanalo ng bronze sa kategoryang Mobile Legends: Bang Bang.

Kaya naman bilang gantimpala niya sa kanyang sarili sa isang pagiging isang successful gamer ay nabili niya ang kanyang dream car na isang red Mustang.

Makikita na kahit nasa showroom siya ng mga luxury cars ay nananatili pa rin siyang simple at down to earth. Suot lamang niya ay mga simpleng damit at naka-tsinelas din lang at kung pagbabasehan lamang ang kanyang panlabas na istura ay hindi mo aakalain na makakabili siya ng isang mamahaling kotse!

Isa lang ang napatunayan ng gamer na ito, na hindi lamang siya nag-eenjoy sa kanyang ginagawa kung hindi napagkakakitaan pa niya ang kanyang husay sa paglalaro ng mobile games. 

Maraming tao ang nag-iisip na ang gaming ay madali at isang libangan lamang. Ngunit marami rin ang hindi nakakaalam na ang mga professional gamers ay nagsasanay rin ng maraming oras upang ma-qualify at makasali sa iba't ibang mga kompetisyon.

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila