Larawan ng Dalawang Alamat na si Manda at Luyong, Ipininta sa Shaw Flyover at Marami ang Nagulat sa Kwento Nito!



Sina Mada at Luyong ang dalawang alamat mula sa siyudad ng Mandaluyong ang babati sa mga motorista kapag sila ay madadaan sa Shaw Boulevard Flyover sa EDSA. Ang mga pintor ng Ang Gerilya ay mula sa College of Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas (UP CFA), ang nag pinta ng mga mural ng dalawang kilalang alamat ng makalumang Filipino sa flyover ng EDSA, isa sa mga sentro ng siyudad. Nabuo ang grupo ng UP CFA noong 2008 para isulong ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ang kanilang mga ginawang mga painting o murals ay makikita sa mga exhibits, street art, graffit, murals at kung saan saan pa. Ibinahagi ng "Ang Gerilya" sa kanilang social media ang mga larawan ng kanilang bagong pinta na pinapakita ang alamat ng siyudad ng Mandaluyong. Nais nila na isulong ang sining at heritage ng mga Mandaleños.




Sa kanilang facebook post noong Setyembre 19, makikita ang larawan ng ginawa nilang mural na may caption na: Inihahandog ng Gerilya ang “Ang Alamat ni Manda at Luyong”, magkapares na mural na ipininta sa dalawang haligi ng Shaw Boulevard Flyover bilang pagpapahalaga sa makulay na kwento ng lungsod ng Mandaluyong. Ang mga murals na ito ay nag dagdag ng kulay at masiglang karakter sa siyudad ng Mandaluyong. Nagawa ng Ang Gerilya ang pang publikong inisyatibo na ito dahil sa pag tutulungan nila sa lokal na gobyerno ng Mandaluyong, the National Commission of Culture and the Arts at Davies Paints Philippines.





 Ang alamat ng Mandaluyong ay sinasabing nag mula sa mag kasintahan na may pangalang Manda at Luyong. Si Manda ay isang anak ng lider ng isang tribo at si Luyong naman ay isang marangal na maharlika. Ayon sa mga kwento, pinakasalan ni Luyong si Manda pagkatapos niyang manalo sa isang kompetisyon dahil ayaw sa kanya ng ama ni Manda. Sila ay nag sama sa isang lugar na ngayon ay tinatawag na bilang Mandaluyong. Isa sa mga nag pinta ng mural ng Mandaluyong si Ianna Engaño at sinabi niya na may dalawa pa silang mural na gagawin sa siyudad ng Metro Manila. 


Ang siyudad ng Mandaluyong ay isa sa mga sento ng National Capital Region. Kilala ang siyudad na ito bilang pag ho-host ng mga job fairs, trade fairs, fashion shows, movie premiers, exhibits at kung saan unang pinakita ang pinaka unang wax figure ni Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa