Mag-aama Naglakbay Mula Naga Hanggang Maynila Para Hanapin Ang Kanyang Asawa Gamit Lang Ang Kariton



Bilang isang pamilyang nangungulila sa pagmamahal ng isang asawa at ina, ay sinubukang hanapin ng mag-aamang ito ang kanilang ilaw ng tahanan. Subalit dahil sa kakulangan sa pera ay tyinaga nila ang paglalakbay mula Naga hanggang Maynila gamit lamang ang kanilang munting kariton.

Naibahagi sa Facebook page na Unico Laguna ang larawan ng mag-aama na nakilala bilang si Manong David ang kanyang dalawang anak. 

Ayon sa post, ay taga Bicol si Manong David at lumuwas sila sa Maynila upang hanapin ang kanyang asawa na namamasukan bilang isang kasambahay. Nais kasi nila itong makita dahil sa kalungkutan at pagkakasakit ng kanyang mga anak na naghahanap rin ng pagkalinga ng isang ina.

Dahil wala namang sapat na pera ay dinala na lamang nila ang kanilang kariton na tulak-tulak ni Manong David sakay ang kanyang mga anak at doon na rin sila natutulog kapag naabutan na ng gabi sa paglalakbay.

Sa layo ng kanilang nilakad at nilakbay ay nakita naman nila ang kanyang asawa. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito pinayagan ng kanyang amo na umuwi sa Naga kasama ang kanyang pamilya dahil sa kanyang mga utang na dapat pa niyang bayaran.

Isang netizen naman ang naisipan na ipost ito sa social media upang kung makita man ang mag-aamang ito ay kanilang matulungan kahit kakaunting tubig at pagkain lamang pantawid sa kanilang mga kumakalam na sikmura habang naglalakbay.

Samantala, isang netizen na nakilala bilang Renato Flores ang nagbigay ng update tungkol sa mag-aama. 

Saad niya sa kanyang post,

"Sa nagpost po dito kahapon sa mag-aama na naglalakad mula El Dorado, nadaanan po namin sila sa may tapat ng Dela Paz Elementary School, Sumulong Highway Antipolo City. Ok na po sila, isinakay namin sila papuntang Cubao Terminal pauwi daw po sila ng Naga at binigyan din po natin ng pamasahe, grocery at konting panggastos. Salamat po sa nagpost."

Hiling ng marami na sana ay makauwi ng safe ang mag-aama.

Source: Facebook

Comments

  1. Sobrang bait niyo sir di matautumbasan nag anung salapi ang mabuting paguugali Salute sir.

    ReplyDelete
  2. May ALLAH will bless you all always. Sana maayos po kayong makauwi .

    ReplyDelete
  3. God bless mag ama at sa tumulong at sa ng post!Sana safe sila sa byahe nila.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa