Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa


Hindi ba't napakasarap isipin na mayroong isang taong nakatakda para sa atin. Ang taong iyon na iyong magiging kabiyak, makakasama sa hirap at ginhawa at hanggang sa inyong pagtanda.

Naniniwala ba kayo na ang tunay na pag-ibig ay hindi mo dapat hinahanap dahil kusa na lang itong dadating sa iyong buhay? Hindi mo man inaasahan, maaaring nariyan na lang pala siya sa iyong tabi. At kung natagpuan mo na ang iyong 'one true love' ay huwag mo na itong papakawalan.

Nag-viral sa social media ang larawan ng isang foreigner na babae kasama ang isang lalaki na isang tricycle driver. Ayon sa Facebook post, na-inlove ang Amerikana sa driver na kanyang kasama sa larawan. 

Marahil na tunay na pag-ibig nga talaga ito dahil mahal na mahal daw ng babae ang driver dahil sa kanyang pagiging hospitable, magalang, mabait at mapagmahal. Hindi niya tinitignan ang panlabas na anyo, katayuan sa buhay o ang pagkakaiba ng kanilang lahi. Sa halip ay nagustuhan niya ito dahil sa kanyang mabuting kalooban na hindi basta-basta matatagpuan kanino man. 

Sa ngayon ay mag-asawa na ang dalawa at makikita sa kanilang mga ngiti ang kanilang masayang pagsasama ngunit hindi pa rin maikakaila ang pangungutya ng ilang tao sa kanilang relasyon.

Mayroong mga sumasang-ayon at mayroon namang hindi pero ang masaklap pa rito ay nag-iiwan pa sila ng mga masasakit na salita tungkol sa mag-asawa at sa kanilang pag-sasama.

Gayunpaman, hindi naman mahalaga kung ano ang tingin o opinyon ng mga tao sa kanila dahil ang importante ay kasama niya ang kanyang pinakamamahal at masaya silang nagsasama. 

Mayroong mga nagsasabi na hindi dapat pinagbabasehan ang pisikal na kaanyuan sa pag-ibig dahil nagbabago ito sa pagtanda, sa halip ay humanap ka ng tao na rerespetuhin ka, igagalang ka, mamahalin ka ng tapat at tatanggapin ka ng buong-buo kahit na anu man ang mayroon ka. 

Comments

  1. Ganuon Talaga sa Umpisa Ay MASASAYA sa Kanilang Pag Ibig At Alam natin Lahat ang Majority Ay Na UUWZi sa Pag Hihiwalay ng Hinde Ina ASAHAN ! Tulad ko Minsan Lang Nag Pakasal sa Isang Single Mother na me Anak na 15 Years Old na Aking Na Petition Patungong Amerika na Isinabay ko sa Change Of Status ng Kanyang INA From Tourist ti Permanent Resident Green Card. One Month Away Ayaw Papigil At Gusto Ay Nanduon cia s Graduation Day ng Anak sa Pinas. Nagsabi ako Na cia Ay Buntis Plus the Green Card Intery one month Away At Makarais ang Graduation Day ng Anak niya Kahit Wala cia sa Pinas. Makulit At Lumabas ng USA 🇺🇸. That was it. End of Marriage Dahil Misscarriage din ang nasa Tiyan niya. Withdrawal of my Petition and I Divorced her. She Break the Immigration Law na Lumabas ng USA 🇺🇸 na Hinde Nagpaalam sa BI.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya