Mala-Motorsiklong Disenyo na Bisikleta, Kinaaliwan sa Social Media!




Motor sa unang tingin pero hindi naman pala ito motor! Ito ang naging usap-usapan sa social media matapos kumalat ang litrato ng dalawang lalaki na nakasakay sa bisikleta na may mala-motorsiklong disenyo. 

Sa isang viral post ng isang facebook page, talagang makikit anatin na ang kanilang bisikleta ay mukhang motorsiklo. Ang rider kasi ay ayos na ayos ang postura na tila parang rider talaga dahil ito ay may helmet na kakulay pa ng kaniyang bisikleta. Bukod pa rito, nadatnan din na ang mga lalaki ay naka tambay sa loob ng gasolinahan kaya marami ang nabiktima at inakalang sila ay nag-pagasolina.





May video rin na inupload si Dhongroel tv kung saan makikita ang aktwal na pagpepedal ng lalaki na inakalang motorsiklo ng maraming mga netizens sa unang tingin. Tawang tawa ang uploader ng video habang ito ay kaniyang nirerecord. Samantala, napuno rin ng nakakaaliw ng mga komento ang social media dahil sa viral post na ito na pumalo ng mahigit sa 100K shares at 22k reactions mula sa mga netizens. 

Sa huli, pinatunayan ng facebook post na ito na looks can be deceiving talaga kaya dapat matutunan natin na kumilatis ng mabuti bago humusga. Sa kabilang banda, nagpasalamat naman ang ilang mga netizens dahil sa goodvibes at laugh trip na hatid ng kakaibang bisikleta na ito. Walang kupas talaga ang galing ng mga pinoy! 

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa