Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!




Madalas, aminin natin o hindi ay may mga nahuhusgahan tayong mga tao sa ating paligid depende sa kanilang anyo o kasuotan o estado nila sa buhay. Maraming mga tao na hindi maayos ang kasuotan o di kaya naman ay marumi ang mga panlabas na anyo kaya naman ay nahuhusgahan bilang mga pulubi. Kadalasan ito ay nangyayari dahil nagtratrabaho pala ang mga tao ng marangal at sadyang nadudungisan lang dahil sa putik or grasa sa kanilang mga damit.

Tulad na lamang ng nangyari  kamakailan sa isang matandang lalaki na hinusgahan ng marami dahil sa marumi ang suot nitong kasuotan at kaanyuan. Nakakalungkot na isipin na masama ang naging tingin ng mga tao sa loob ng pawnshop sa matandang lalaki dahil sa pagaakala na ito ay pulubi at manlilimos sa kanila. Dahil nararamdaman nadin ng lalaki ang impresyon ng mga tao sa kaniya kaya naman naisipan nitong tumahimik at tumayo nalang sa gilid ng establisyemento. 




Ngunit hindi akalain ng mga mapanghusgang customer na katulad din pala nila ang lalaki na isa din palang customer sa nasabing pawnshop. Naroon kasi siya upang magpadala ng pera para sa kaniyang anak at pamilya. Nakaramdam ng kahihiyan ang mga tao sa loob ng pawnshop dahil sa mali nilang akala. Ang matandang lalaki pala ay nagsusumikap upang masuportahan niya ang kaniyang pamilya sa kabila ng kaniyang edad at hirap ng trabaho na kaniyang dinaranas.

Tiyak na maraming mga tao ang natuto sa naging pangyayari na ito dahil lahat ng inaakala natin minsan kasi ay mali. Madalas ay nahuhusgahan din natin ng hindi tama ang ilang mga tao depende sa panlabas nilang kaanyuan. Marahil ay mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang pagiging mabuti sa ating kapwa bago ang lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Damong Makahiya Ibinebenta Sa Ibang Bansa Sa Halagang Php400