Nakakadurog Ng Puso Makita Ang Isang Baby Na Ito Na Nasa Isolation Room At Nais Mahawakan Ang Kanyang Ama


Kung isa kang magulang, tiyak na madadama mo ang kurot sa puso kung ang iyong anak ay mawawalay sa iyo. Bilang isang magulang ay nais natin na laging nakaantabay sa ating mga anak at ibigay ang bawat yakap na kanilang kailangan upang madama nila proteksyon at pagmamahal natin sa kanila.

Pero dahil sa nangyayari sa ating panahon ngayon, tila wala na talagang pinipiling edad o kasarian kung madadapuan ka ng sakit.

Ibinihagi ni @Huh_My-Rahhhhh sa Twitter ang nakakalungkot na sandali ng isang ama at nang kanyang anak habang nasa isang isolation room ito. Namamagitan sa mag-ama ang isang salamin na kung saan makikita ang baby na si Binbin habang ang kanyang ama ay nasa labas na nag-aantay sa kanya.

Paliwanag ng netizen sa isa pang tweet na ang sanggol ay mayroong le*kem!a at hindi coronavirus. Ngunit para sa isang magulang ay talaga namang nakakadurog ng puso na makita ang iyong anak na nagdurusa dahil sa isang sak1t.

Dito sa mga larawan na nakuha mula sa video ay noong nakita ng bata ang kanyang ama doon sa labas ng nakapagitan sa kanila na salamin ay nasihayan ito at tila nagpapabuhat at nagpapayakap sa kanyang ama. Tiyak na nais na ring mahagkan ng ama ang kanyang anak ngunit kailangan itong manatili sa loob ng kwarto.

Maaaring sa sobrang bigat sa puso na makita ang kanyang anak na nagdurusa ng isang kondisyon ay napatalikod na lamang ang ama at makikitang nagpupunas ng kanyang mga luha.

Pero ang walang kamuwang-muwang na bata ay parang nagtataka na lamang kung bakit hindi siya kinarga ng kanyang ama. 


Maraming netizens ang nalungkot sa mga sandaling iyon dahil ayon sa kanila ay nadama nila ang sak1t na naramdaman at pag-aalala ng isang magulang lalo na't kung buhay ng iyong anak ang pinag-uusapan.

Hiling at ipinagdarasal ng karamihan na sana ay gumaling na ang bata sa kanyang karamdaman. 

Source: Twitter

Comments

  1. Have faith & put your trust to the Giver of Life.!

    ReplyDelete
  2. Have faith that this crisis will end soon. Our God is bigger than them all. Just stay at home!

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa