Nakakatouch Naman si Manong! Nag-viral ang Lalaking Ito Dahil Namimigay Ito ng Libreng Taho sa mga Estudyante






Isa sa mga pagkaing patok na patok sa masang Pilipino ay ang taho. Maliban kasi sa murang halaga na kayang-kaya ng budget ay masustansiya rin ito para sa ating katawan. Nagmula kasi ang pagkaing ito sa pagproseso ng buto ng soya na mayaman sa protina, calcium, at iron. Nagtataglay din ito ng ilang mga bitamina kagaya ng Vitamin A, B1, at B4, gayundin ang ilan pang mahahalagang mineral kagaya ng phosphorus, potassium, manganese, magnesium, selenium, at zinc. 



Sadya ngang mainam ang pagkaing ito kaya naman kung mayroong libreng taho sa kalye ay siguradong marami rin sa atin ang hindi palalagpasin ang pagkakataong ito kagaya na lamang ng nangyari sa harapan ng TUP. Isang matanda kasi ang nag-alok ng libreng taho para sa lahat.



Ang kaniyang kwento ay ibinahagi ng isang concerned netizen na nakatuklas ng tunay na dahilan kung bakit ipinamimigay niya ang kaniyang panindang taho. Nakilala ang netizen bilang si Jayson Villeza at dati din siyang estudyante sa TUP. Napadaan siya noon sa lugar dahil may inaasikaso siyang papeles at nang makita nga ang karatula na "Libreng Taho" ay agad niyang nilapitan ang matandang lalaki at kinausap ito.


"Kahapon kasi nang makita kong libre, na-curious agad ako. Halatang frustrated siya eh. Kasi wala masyadong nabili. Binayaran ko muna ng bente kahit libre raw," pagkukwento ni Villeza.

Napag-alaman niya na pauwi na pala noon ang taho vendor na si Manong Jimmy ngunit dahil wala siyang gaanong benta ay ipinamimigay niya nalang ito sa mga tao sa halip na buhatin pa pauwi ang mabigat na lalagyan. Nagkasakit kasi siya noon ng stroke kaya naman mahirap para sa kaniya ang magbuhat ng mabigat.


"Paglabas ko tinulungan ko siya maglako at mamigay. Binili ko na halos kalahati ng tinda niya kasi puhunan niya dun ay 700. At hanggang maubos sinamahan ko siya," dagdag pa ni Villeza.



Dahil sa kaniyang nasaksihan ay nagdesisyon si Villeza na ibahagi sa social media ang kwento ni Manong Jimmy upang matulungan din ito ng iba pang netizens. Nais din niyang makalikom ng pera para maibili ang matanda ng padyak na maggamit niya sa paglalako.


Samantala, maraming netizens ang natuwa sa ginawang pagtulong ni Villeza at naantig sila sa busilak na puso ng matanda nang ipamigay nito ang kaniyang mga paninda sa halip na masayang. Nawa ay matulungan nga si Manong Jimmy ng mga netizens at sa susunod na paglalako niya ng taho ay maubos na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!