Netizens Naawa Sa Isang Batang Kalye Na Natutulog Sa Kalsada Kayakap Ang Alagang Aso



Madalas nating marinig ang kasabihan na, 'Dog's are man's bestfriend." Siguro ang rason kung bakit sinasabi ito ay dahil sa pagpapakita nila ng pagmamahal, katapatan, at mabuting pakikisama sa kanilang amo hanggang sa kanilang huling hininga.

Ang nakakamangha pa sa mga aso, ay kahit anong estado sa buhay ng kanilang amo ay hindi nila ito iniiwan. Sa halip ay nananatili silang taga-bantay mo na walang ibang hinihinging kapalit.

Isang nakakaantig na larawan ang naibahagi ng Facebook user na si Jem Villomo sa kanyang social media account. Makikita kasi ang isang bata na natutulog habang yakap-yakap ang kanyang alagang aso. 

Sa ilang mga dog lovers ay normal na ang matulog katabi ang kanilang alagang aso sa kanilang higaan. Ngunit ang nakakalungkot sa larawang ito ng bata at nang kanyang alaga ay natutulog lamang sila sa gilid ng kalsada habang dinadaan-daanan ng mga tao at mga sasakyan.

Dahil wala man lang sapin ang kanilang tinutulugan ay tiyak na malamig ang kanilang hinihigaan na semento. Kaya naman siguro bilang panangga sa malamig na simoy ng hangin sa gabi ay niyakap na lamang ng bata ang kanyang alagang aso hanggang silang dalawa ay parehas na nakatulog.

Sa mga larawan pa lamang ay madadama na kung gaano kamahal ng bata ang kanyang alaga dahil sa pagkakayakap nito at ganoon rin naman ang aso na tila parang niyayakap niya rin pabalik ang kanyang amo. Maaaring itinuturing na ng bata na pamilya niya ang kanyang alagang aso.

Maraming netizens ang naawa sa kalagayan ng dalawa. At mayroong mga netizens na nagsasabi na ito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagkakaibigan sa pagitan ng tao at aso. 


Ang nakakatuwa naman sa mga komento ng mga netizens ay marami ang nais mag-abot ng tulong sa bata lalo na't ulila na raw ito sa kanyang mga magulang. Ngunit madiin na hiling ng ilan na huwag silang paghihiwalayin sa kanyang alaga. 

"Dyan mo makikita ang alaga mong aso na di ka iiwan kahit anong mangyare."

"Kaawa awa naman imbes na yung pamilya niya ang kayakap niya kundi aso ang katawabi niya at tinuring niyang pamilya niya."

"Nakakalungkot. Yung aso lang ang meron ng bata sa panahong kailangan niya."

Source: Facebook

Comments

  1. Sana Lang matulungan cla at mabigyan ng matitirhan.. GOD BLESS

    ReplyDelete
  2. S mga dog lover dpat bgyan nila ng tulong yan db lalo na dun s mga maykaya s buhay.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa