"Pabusog ka Baby!" Special Request Ng Isang Netizen, Di Inaakalang Tutuparin Ng Isang Fast Food Chain


Kadalasan kapag tinatamad ng magluto ng pagkain sa bahay lalo na't kung mag-isa ka lang naman ay umoorder na lamang ang ilan thru- online para magpa-deliver. Bawas pagod na kasi ito sa paghahain at mas convenient pa ito.

Isa sa mga pino-provide na serbisyo ng mga online sites kapag ikaw ay bibili na ng kanilang produkto ay ang mensahe o special instructions. Katulad na lamang kapag oorder ka thru online ng pagkain sa Jollibee ay mayroong isang maliit na box sa ilalim ng iyong order na kung saan makakapaglagay ka ng message na pwedeng mabasa ng taong tatanggap ng iyong order.

Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Patrick Dee dahil sa kanyang isang kakaibang request sa kanyang online order sa fastfood chain na Jollibee. Ngunit hindi niya inaakala na ang kanyang request ay tutuparin ng fastfood chain na talaga namang nakapagpatuwa sa kanya.

Kwento niya,

"I ordered breakfast sa Jollibee for delivery. Then, bored ako. So naglagay ako ng something sa special instruction.
Tawang-tawa ako, sineryoso nila!!!
Feeling ko may jowa na ako! Hahaha

Thank you Jollibee!"

Makikita kasi sa unang larawan ang kanyang inilagay na special instruction na, "lagyan niyo po ng note na may nakasulat na 'Pabusog ka baby! <3 hahaha para sweet!"

Pagkatanggap ng kanyang order ay nagulat na lamang siya dahil hindi niya inakala na tutuparin ito at may pagbati pa na, "Good Morning! Pabusog ka Baby!"

Pabiro ng ilang netizens sa post na ito,

"Sana all! hahaha."

"Lakas ng trip."

"Wish granted."

"Pat sa office ko naman please. Para naman maging special rin ang morning ko!"

"Tapos lalaki yung nagsulat. haha."

"Kuya, parang nakakatawa na malungkot man yan. hahaha."

Nakakatuwa lamang isipin dahil totoong binabasa pala ng mga nakaka-tanggap ng order ang mga mensaheng ating ipinaparating sa kanila. At mas lalong nakakatuwa kung tinutupad nila ang ating mga simpleng 'requests.'

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation