Pinay Na Hirap Dati sa Math, Isa ng Engineer Ngayon sa NASA!






Maraming mga bata ang ayaw sa subject na Math. Ngunit pag ikaw ay isang engineer, ito ay isang bagay na lagi mong makakasalimuha araw-araw. Bilang engineer, kinakailangan mong maging magaling sa subject na ito.





Isang batang pinay ang dating hirap sa Math noong nag aaral pa lamang siya at sa kalaunan ay nahanap niya ang kanyang calling bilang isang engineer sa NASA! Ang kanyang pangalan ay Josephine Santiago-Bond. Ang kanyang pangarap lamang noong bata pa siya ay makapag tapos ng trabaho, makakuha ng trabaho at mabili ang kanyang mga luho sa buhay ngunit hindi niya nakita ang kanyang sarili bilang isang engineer. Siya ay nabibilang sa pamilya ng mga doktor at sinabi ni Josephine na wala siyang balak sundan ang mga yapak ng kanyang pamilya.

Ang kanyang mga magulang at kapatid ay nakapag tapos ng PhD habang siya ay naguguluhan kung ano talaga ang gusto niyang maging lalo na hindi siya magaling sa Math. Nag aral si Joesphine sa Philippine Science High School ngunit hindi niya ito natapos dahil kinakailangan niyang kumuha ng madaming science and math subjects hindi kagaya ng sa ibang public at private schools. Walang intensyon si Josephine na maging engineer ngunit may isang schoolmate siya na nag kumbinsi sa kanya na kumuha ng Electronics and Communications Engineer sa University of the Philippines. Gayunpaman, katulad ng kanyang inaakala, siya ay nahirapan sa mga subjects sa kanyang kurso.



Hindi siya nagpa apekto sa mga mababang grades na kanyang natamo ngunit dahil sa kanyang pag susumikap natapos niya ang limang taong kurso na Electronics and Communications Engineering. Dahil dito, napamahal na sa kanya ang propesyong ito at kumuha pa siya ng Master's Degree in Electrical Engineering sa South Dakota State University. Sinabihan siya ng kanyang guro na maari siyang sumailalim ng internship program sa John F. Kennedy Space Center (K.S.C.).

Tinanggap niya ito at ng matapos niya ang program ay kinuha siya upang magtrabaho bilang isang engineer sa space center! Isa itong malaking hakbang mula sa isang taong walang ideya tungkol sa space shuttles. Ngayon, si Josephine ay isa ng chief of the Advanced Engineering Development Branch at siya ay responsable sa pag supporta ng research and technology development projects ng Kennedy Space Center.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!