Sinikap ni Tatay Fishball Vendor na Mapagtapos ang Kaniyang Apat na Anak sa Kolehiyo Bilang Pagtiyaga Nito sa Pagbenta






Ang ilan sa ating mga kababayan na hirap sa buhay ay sumusuko na lamang at hindi na pinag-aaral ang kanilang mga anak dahil sila mismo ay sumuko na pagkayod sa kanilang buhay. Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga magulang ang hindi alintana ang kahirapan at handang magpakapagod para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Isa na ngang halimbawa dito ang mga magulang ni Girlie Verzosa, isang netizen na nagbahagi ng kanilang kwento ng tagumpay sa kaniyang Facebook account.

Ayon kay Girlie, elementary pa lang sila ay nagtitinda na sa kalye ang kaniyang mga magulang. Ilan sa mga binebenta ng mga ito ay fishball, kikiam, palamig at ilan pang street foods. 



Maraming pagkakataon na ipahiya at awayin siya ng mga kaklase dahil sa kanilang estado ng buhay ngunit naging maayos ang pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya naman natutunan niyang balewalain ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kaniya.

"Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya. Huwag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao. Maging natural ka lang," ilan lamang sa mga payo ng ama ni Girlie sa kanilang magkakapatid.


Nagsumikap sa pag-aaral si Girlie kagaya ng kaniyang tatlong ate na panay degree holder kaya naman siya man din ay nakapagtapos din ng kolehiyo!


Sa kaniya ngang mala-telenovela na Facebook post ay lubos niyang pinasalamatan ang mga magulang sa walang sawa nitong pagtitinda ng Fishball para mapagtapos silang apat na magkakapatid. Nag-iwan rin siya ng mga katagang talaga namang tagos sa puso kaya hindi nakakapagtakang naging viral ang kaniyang post.


"Maraming salamat sa Papa at Mama ko...Alam ko marami kayong gutom na tiniis...Maraming panghihiya ang pinaraya...pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral.",ilan lamang sa mga salitang ibinahagini Girlie.



Totoo ngang wala sa estado ng buhay ang pagpapatapos sa mga anak kundi nasa pagsisikap ng mga magulang na siya rin namang sinusuklian ng sipag sa pag-aaral ng mga anak. Nawa'y naging inspirasyon sainyo si Tatay para huwag sumuko sa buhay at lumaban lang hanggat kaya dahil may magandang maidudulot ito sa huli.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!