Sinuklian ng Lalaking Ito ng Isang Mansyon ang Mag-Asawa na Nag-Ampon Sakaniya Noon Bilang Pasasalamat





Masarap lumaki sa isang pamilya na tanggap kung ano ka at handang sumuporta sa lahat ng iyong mga pangarap sa buhay. Sila ang madalas na nagsisilbing inspirasyon at lakas natin sa mga pagkakataong tayo ay nanghihina o di kaya naman ay gusto ng sumuko sa buhay. Wala ngang duda na maganda sa pakiramdam ang magkaroon ng tinatawag na pamilya kahit pa hindi natin sila kadugo.

Isang halimbawa na nga dito ang naging buhay ni Jayvee Lazaro Badile II na lumaking inaalagaan ng ibang tao. Mahirap man ang estado nila sa buhay ay ramdam niya ang pagmamahal na ipinapakita ng kaniyang ina na isang tindera at ama na isang porter. 


Bilang sukli sa lahat ng kabutihang ginawa ng mga ito ay lubos siyang nagsumikap at sa kasalukuyan nga ay nasa rurok na ng kaniyang tagumpay sa buhay.

Dahil dito ay naisama niya ang pamilya sa pamamasyal sa ibang bansa kagaya na lamang ng Dubai, Australia at New Zealand. Maliban dito ay nagpatayo rin si Jayvee ng mansyon at doon nila ipinagdiwang ang nakaraang Pasko at Bagong Taon.





Hindi halos makapaniwala ang pamilya na kumupkop kay Jayvee sa hatid niyang sorpresa dahil ibang-iba na ang buhay nila ngayon kumpara sa dating pamumuhay nila sa lumang bahay na matatagpuan sa Bocaue, Bulacan.




“When Nanay and Tatay adopted me, it wasn’t a good life. Nanay is a vendor, Tatay is a porter. Wala kaming maayos na tulugan, kainan, liguan at palikuran. Kaya now that I have the chance to give back to them, I will make sure they will live their dreams better than what they could ever imagine!", pagkukwento ni Jayvee sa kaniyang Facebook account.




Talaga namang busilak ang puso ni Jayvee at hindi niya nakalimutang balikan ang mga tao na tumulong upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap kahit na ngayon ay natagpuan niya na rin ang totoo niyang mga magulang. 




Kaya naman, lubos siyang hinangaan ng mga netizens at nagkaroon pa ng pagkakataon na maibalita sa trending TV show na "Kapuso Mo Jessica Soho".

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila