Taxi Driver Tinulungang Tahiin Ang Pantalon Ng Kanyang Pasahero Na Papunta Sa Oathtaking Ceremony


Minsan talaga kahit gaano ka kaingat sa iyong suot ay nangyayari ang isang wardrobe malfunction. Mayroon pang mga pagkakataon na nangyayari pa ito sa hindi mo inaasahang sitwasyon. 

Katulad na lamang ng naging karanasan ng isang bagong guro na ito na muntik nang hindi maka-attend sa kanilang oathtaking ceremony dahil sa hindi inaasahang pagkapunit ng kanyang pantalon.

Kwento ng bagong licensed teacher na si Novie Joy Balete Venteroso ay 7:30 ng umaga noong sumakay siya ng taxi papunta sa Iloilo Convention Center (ICC) para sa kanilang oath taking ceremony. Ngunit bago pa man siya makarating sa venue ay nagkaroon ng malaking punit ang gilid ng kanyang suot na pantalon.

Malaki-laki rin ang punit sa pantalon kaya naman kung tumuloy siya na hindi natahi ang kanyang suot ay tiyak na mahahalata ito ng maraming tao.

Kaya naman dali-dali niyang tinanong ang driver ng kanyang taxi na sinakyan kung mayroon bang mananahi malapit sa area na iyon. Ngunit wika ng driver na imposibleng may mahanap sila sa oras na iyon dahil masyado pang maaga lalo na't araw pa ng Linggo. 

Kaya naman iminungkahi na lamang nito na dumaan sila ng palengke upang bumili na lamang ng karayom at sinulid. At noong nakabili sila ay kulay lavender lamang na sinulid ang mayroon. Hindi na ito pinansin ni Novie basta ang importante ay matahi agad-agad ang kanyang pantalon.

Sa sobrang nerbyos niya sa mga oras na iyon ay hindi niya matahi ang kanyang sariling pantalon. Kaya tinanong na lamang ang driver kung makakabili na lang sila ng superglue ngunit hindi ito umubra.

Sinabi niya sa driver na hindi siya marunong manahi at buti na lamang ay nagmabuting loob ang driver at sinabi na siya na lamang ang magtatahi ng napunit na pantalon. Pinahiram pa niya si Novie ng extrang t-shirt upang gawing pantakip habang inaayos nito ang pantalon. 

Isang hulog ng langit ang taxi driver dahil nakarating pa sila sa venue sa expected call time na alas-otso. 

Matapos magviral ang post ni Novie ay nakilala ang mabait na taxi driver na si Remy Surita Jr.

Ang bait naman sobra ni Kuya!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging