Tricycle na Tila Bahay Kubo, Viral sa Social Media




Tampok ngayon sa social media ang isang tricycle na mala bahay kubo ang disenyo. Gawa ang sidecar kasi nito sa kawayan at nipa at dahil dito maraming mga netizens ang humanga sa nakaisip ng disenyo na ito na sadyang matatawag natin na sating mga Pilipino. 


Kung kayo ay mahilig mag commute siguro at ysa sa mga sinasakyan niyo ang tricycle na maaring naghahatid sundo sa inyo kung kayo ay may lakad. Parte na kasi ng buhay ng ibang tao ang pagsakay ng tricycle dahil ito ang karaniwan sa araw araw na sinasakyan sa mga maiikling byahe sa probinsya man o sa Maynila at iba pang parte ng siyudad. May iba't ibang laki, itsura at kulay din ito sa bawat rehiyon sa bansa. Maraming mga alaala na at karanasan ang maaring naexperience na ng mga pasahero sa pampublikong serbisyo na ito.




Ngunit hindi pangkaraniwan ang itsura ng tricycle ang binahagi ng facebook page na magsasaka bayani ka. Binigyan kasi ng nakaisip ng tricycle na ito ang pampublikong sasakyan ng kakaibang disenyo na tiyak patok ngayon sa tag init. Bakal ang pundasyon ng tricycle at gawa naman sa kawayan ang sidecar nito. Pagdating sa bubong, nilagyan ito ng dahon ng nipa na sa maktuwid ay tila naging bahay kubo ang peg at disenyo ng naturing sasakyan. Ayon sa mga netizens, makikita ang tricycle na ito sa Bird Beach Resort sa Bolinao Pangasinan. 

Ayon sa ibang komento, maaring makkita din ng ganitong disenyo ng pampublikong sasakyan sa Puerto Princesa Palawan at sa Batanes. Pinakita naman ang pagiging malikhain talaga ng mga Pilipino dito. Ayon sa ibang mga komento okay daw sana ang disenyo ng tricycle na ito ngunit mayroon parin itong negatibong feedback dahil sa gawa na pundasyon ay mas mahina ito at hindi balanse at hindi magiging kumportable ang sinumang pasahero ang sasakay dito. 

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa