Ukay-Ukay, Ipinagbawal Muna sa Ating Bansa Dahil Maaaring Magdala Ito ng Masamang Kondisyon sa ating Kalusugan




Simula nang lumabas ang balita patungkol sa bagong tuklas na Novel Coronavirus mula sa Wuhan, China, halos lahat ng tao ay nabahala at nag-isip ng mga paraan kung papaano makakaiwas sa nakakahawang sakit.

Hindi rin nagpabaya ang gobyerno at ilang pribadong sektor sa pagpapayo sa publiko kung anu-ano ang mga kailangan nilang gawin. Nariyan na nga ang pagsusuot ng surgical face mask sa tuwing lalabas ng bahay at tuwing makikipagsalamuha sa maraming tao. Pinaalala din ng mga eksperto sa larangan ng kalusugan na panatilihin nating malakas ang ating resistensiya at ugaliin ang paghugas ng kamay o di kaya naman ay paggamit ng alcohol at sanitizer kung kinakailangan. 


Kaugnay nito maingat na rin ang pamahalaan sa pagpapapasok ng mga dayuhan sa ating bansa lalo na kung mula ang mga ito sa China upang masiguro din ang kaligtasan ng nakararami. 

Maliban dito ay ipinatigil na rin muna ng Bureau of Customs o BOC ang pagdating ng mga imported goods mula sa ibang bansa at isa nga sa mga apektado dito ay ang mga negosyante ng ukay-ukay. 




"Iyang ukay-ukay kaya banned iyan kasi may health issues diyan. We are not discounting that if ever na mayroon at dumaan 'yan sa any country affected by nCoV, that might be infected. There is a high risk na they might carry those viruses and we don't want that, " pahayag ni Vincent Maronilla, BOC assistant commissioner. 

Hindi nga naman impossible na magkaroon ng samo't saring virus ang mga damit na ibinebenta sa ukay-ukay lalo na at kung sinu-sino na rin ang nagsuot ng mga ito. 


Mahalaga ring malaman ng publiko na ipinagbabawal din sa ating bansa ang ganitong uri ng negosyo ayon na rin sa Republic Act 4653 na nagsasabing: 

"Act to safeguard the health of the Filipino people and maintain the dignity of the nation through the prohibition of the importation of used clothing and rags." 



Kaya naman marami man ang mga negosyanteng naapektuhan nito ay patuloy pa rin sa paghihigpit ang nasabing sektor ng gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng nakararami. 


Sa ngayon ay mas mainam na huwag na muna tayong bumili ng mga damit sa ukay ukay dahil hindi pa natin alam kung safe ba ang mga ito. Kung sakali man na ikaw ay mayroong damit na galing sa ukay, mainam na pakuluin ang damit at ibabad sa araw bago ito suotin upang mapuksa ang lahat ng mikrobyo.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa