Usap-usapan Ngayon ang Bagong Kasintahan ni Ellen Adarna na Talaga Naman Nakakaagaw ng Pansin Dahil Napakagwapo Nito




Hindi man madalas lumabas sa telebisyon ang mga kilalang personalidad na sina Ellen Adarna at John Llyod Cruz ay mainit pa rin ang mata ng publiko sa kanila. Simula noong magdesisyon silang huminto muna sa show business ay marami pa ring mga netizens ang madalas na nakabantay sa bawat kilos ng dalawa at ibinabahagi kaagad ito sa social media. 

Sa ilang larawan nga ay makikitang masaya naman ang dalawa sa buhay na kanilang pinili kasama ang anak na bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit sa kabila nito ay mayroong mga lumalabas na balitang hiwalay na sina Ellen at John Lloyd. 

Mas lalo pang umugong ang balitang ito nang kamakailan lang ay mag-post ang aktres ng mga larawan habang nagbabakasyon siya kasama ang anak at pamilya sa Europa nang hindi kasama ang dating kasintahan na si JLC. 


Doon niya ipinagdiwang ang Pasko at Bagong taon at batay sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ay talaga namang na-enjoy niya ang pamamasyal sa magagandang lugar ng Europa. Hindi rin pinalagpas ng aktres ang pagkakataon na masubukan ang sports na Skiing sa Switzerland at kumuha pa siya ng instructor para talaga namang matuto kung papaano ito ginagawa ng maayos. 




"As per my instructor, 'keep going.' Should be my mantra this year!, caption ni Ellen sa kaniyang Instagram post. 

Samantala, kapansin-pansin rin sa mga ibahaging larawan ng aktres sa kaniyang Instagram stories ang ilang lalaki na kasama niya sa pamamasyal sa ibang bansa. Marami ang nabuong haka-haka sa isipan ng mga netizens lalo na at sweet na sweet si Ellen sa mga ito. 



Sa katunayan ay naka-tag rin ang larawan sa dalawang lalaki na nakilalang sina Carlos Lemus at Marco Botran ngunit kung titingnan ang kanilang Instagram accounts ay pribado ang mga ito. 


Ganoon pa man, wala pa ring kumpirmasyon mula sa panig nina Ellen at John Lloyd kung ano na nga ba ang totoong estado ng kanilang relasyon lalo na ngayon at lumalaki na rin ang anak nilang si Baby Elias.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa