Posts

Showing posts from March, 2020

Isang Upuan sa Labas ng Bahay Para Paglagyan ng Relief Goods, Hinangaan ng mga Netizens!

Image
Umani ng papuri sa social media nitong Linggo ang mga larawan kung saan bawat bahay ay may isang upuan na nakalagay upang paglagyan ng mga relief goods. Ayon sa Facebook post ni netizen Leo Lauron, ipinapatupad ngayon sa Pandi, Bulacan ang paglalagay ng isang upuan sa bawat bahay upang masunod pa rin ang social distancing upang makaiwas sa coronavirus.
Patuloy pa rin ang pagtaas ng numero ng positibo sa bansa kaya isang malaking hakbang ang ganitong patakaran upang maiwasan ang direct contact ng bawat isa. Isang bagay rin ito upang maisakatuparan ang enhanced community quarantine kung saan dapat nasa loob lang ng bahay ang bawat miyembro ng pamilya.




Kaya naman hinangaan ng mga netizen ang Barangay Pandi sa pagpapatupad ng istriktong patakaran. Iniiwasan ngayon ng buong bansa ang paglaganap pa ng COVID-19. Kaya naman puspusan rin ang iba’t ibang lungsod na pagpapatupad ng lockdown. 
Sa kasalukuyan umabot na ng 380 nitong Marso 22, 2019 ang naging positibo sa coronavirus sa Pilipinas. …

Viral: Clear View ng Sierra Madre Mountains Tanaw Mula sa Maynila Matapos ang Enhanced Community Quarantine!

Image
Isang netizen ang nakakuha ng isang madalang at clear na view ng Sierra Madre Mountains mula sa view ng Metro Manila. Ang larawan ay kuha ng isang netizen na nagngangalang Johair Addang na kinunan matapos ang isang lingo ng enhanced community quarantine na inimplementahan sa buong Luzon.
Ang larawan ay agad namang nag viral sa social media. Ayon kay Johair ang larawan ay kuha niya noong lunes ng March 23 dakong alas singko ng hapon gamit ang Samsung s20 Ultra sa isang roofdeck sa Lumiere Residences na matatagpuan sa Pasig City kung saan nagtratrabaho si Johair. Dati rati raw ay nakikita niya ang view na iyan ngunit shadow lang na tila pulo pulupon ng mga ulap. 




Ngayon daw ay napansin niya na clear at walang shadow o mga ulap. Ayon kay Johair, madalas niya talaga itong makita dahil dito siya madalas tumambay kapag break nila sa opisina ngunit hindi pa niya nakita ang Sierra Madre ng ganitong detalye kaya naman kinuhanan niya agad ito ng larawan at ibinahagi sa social media.
Ang Sierra…

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Image
Pahirapan ang paghahanap ng mga makakainan ngayon dahil sa Enhanced Community Quarantine lalo na't sarado ang karamihan sa mga establisyemento maliban na lamang sa mga palengke, grocery stores, pharmacies at ilang mga food establishments. 
Dahil ayaw na rin lumabas ng ibang tao ay nag-oorder na lamang sila thru online upang maideliver na lamang sa kanilang bahay ang pagkain na kanilang inorder. Ngunit minsan mayroon talagang mga pagkakataon na ang ibang customers ay hindi makapag-hintay ng kanilang orders at sa kalagitnaan ng transaksyon ay bigla na lamang nila itong ikakansela.
Ganito ang nangyari sa isang Grab food rider na nakilala bilang si Yenyen Catiloc. Nakita siya ng isang netizen na kinakain na lamang ang kinanselang order ng kanyang customer. Nagpagalaman din na nasa P300 ang halaga ng mga pagkaing naorder. 
Base sa kwento ng netizen na si Natdemzon Lazo Pagkalungan ay napag-usapan nila ng Grab food rider na nakansela nga ang order at hindi na siya inentertain ng umorde…

Relief Goods Na Nakalagay Sa Timba Ang Ipinamahagi Sa San Jose Del Monte, Bulacan

Image
Dahil sa enhanced community quarantine, patuloy ang pamamahagi ng mga relief goods ng bawat barangay. Marahil hindi pa lahat ay nakakatanggap ng kanilang mga rasyon, mayroon namang mga barangay na nakapagsimula ng mamahagi ng mga ito at inuuna muna nila ang mga labis na nangangailangan katulad ng mga 4P's.
Samantala, ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ay nagsimula ng mamahagi ng kanilang mga relief packages para sa mga pamilyang lubos na apektado ng enhanced community quarantine.
Ayon sa post ng Facebook page na SJDM Public Information Office
"Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa pamamahagi ng relief packages para sa pamilya San Joseno na apektado ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.
Prayoridad ng lokal na pamahalaan na unang mabigyan ng tulong ang mga pamilyang kabilang sa mga benipisyaryo ng 4P's at Listahan ng DSWD, at mga pamilya nasa talaan ng Pamahalaang Barangay na pansamantalang nawalan ng kabuhayan."
Sama…

Hinangaan Ang Isang Lalaki Na Proud Sa Kanyang Trabaho Bilang Isang Janitor Sa Isang Ospital

Image
Sa pinagdaraanan ng ating bansa ngayon laban sa Covid-19, marami sa ating mga kababayan ang patuloy ang nagtatrabaho dahil kinakailangan. Kahit na mapanganib ang sak!t na ito, kahanga-hanga talaga ang serbisyong ibinibigay ng ating mga tinatawag na "Frontliners."
Kung iisipin, hindi lamang mga doktor, nurses, at health workers ang nasa panganib ang kanilang kalusugan habang nilalabanan natin ang sak!t na ito. Sa katunayan, ang mga pulis, sundalo, government officials, security guards, workers sa food production, bankers, at janitors ay kabilang rin sa mga tinawag na frontliners.
At kung hindi dahil sa kanilang serbisyo ay paano na lamang tayong mamamayan.
Katulad na lamang ng isang employee na si Carl Vien Ogatis Tibang na ipinagmamalaki ang kanyang trabaho bilang isang janitor sa isang ospital sa Marikina City. Araw-araw ay kailangan niyang iwan ang kanyang pamilya at sumabak sa trabaho upang mapanatili ang kalinisan sa kanyang pinapasukang ospital.
Hindi man propesyunal a…

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Image
Ibinahagi ng netizen na si Rachel Julian sa kanyang Facebook account ang isang Lalamove rider na nakita niyang may suot na sira-sirang sapatos. 
Ilang oras bago nakapag-book si Rachel sa iba't ibang apps upang makahanap ng rider na magdadala ng inorder niyang cat food para sa alagang pusa ng kanyang boyfriend na taga Caloocan. Dahil taga Pansol, Quezon City siya nakatira at naka-enhanced community quarantine, medyo nahirapan siyang makahanap ng magdadala ng cat food dahil wala di umanong nag-aaccept ng kanyang booking.
Hanggang sa ilang try ay may tumanggap na ring isang Lalamove rider na handang pumick-up sa kanyang package upang maideliver ito sa kanyang nobyo sa Caloocan.  Kwento niya,
"Nag order ako ng cat food para sa alaga namin parehas, actually kahapon pa to nadeliver. Since nakaquarantine buong Metro Manila, di naman namin alam parehas ni Gab pano ko mabibigay sa kaniya yung food ni Zac lalo na walang stock si Zac. Nag try kami mag book sa iba't ibang app. Ilang …

Handa sa 1st Birthday ng Anak, Ibinili ng Relief Goods Para Ipamigay sa mga Tricycle Drivers, Padyak at Basurero

Image
Nasa dugo na talaga ng mga Pinoy ang pagiging matulungin sa kapwa. Kaya naman hinangaan ngayon online ang pagtulong ng mag-asawa kung saan ang perang gagamitin sana para sa selebrasyon ng unang kaarawan ng kanilang anak ay ipinanbili nila ng relief goods. 
Ayon sa News5, ipagdiriwang sana sa Marso 31, 2020 ang unang kaarawan ng bunsong anak ng mag-asawang Mark Anthony at Janisa sa Maguindanao. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19 at maraming Pilipino ngayon ang apektado ng community quarantine ay naisipan ng mag-asawa na mamigay ng relief goods. 




Ang perang itinabi nila para sa children party ng anak ay ginamit nalang nila para ibili ng mga relief goods at ipamahagi sa kanilang bayan. Ang nasabing relief goods ay ipamimigay sa mga tricycle drivers, padyak, at nangongolekta ng basura sa kanilang lugar sa Cotabato City, Maguindanao. Kabilang sa kanilang ipamimigay ay bigas, sardinas, at mga noodles. 
Saad ng mag-asawa, hindi ganoon karami ang kanilang napamili ngunit sapat na ito upang ma…

Landlady sa Batangas, Nilibre ng 1 Buwan na Upa ng Kanyang mga Tenants!

Image
Isang magandang regalo ang natanggap ng mga nangungupahan mula sa kanilang landlady sa Batangas dahil nilibre nito ng isang buwan ang renta ng kanilang upa. Mula ng magsimula ang enhanced community quarantine sa Luzon ay marami na ring landlord at landlady ang nagkusang tumulong sa kanilang mga tenants.
Sa pamamagitan ng paglibre ng isang buwang renta at pamimigay ng pera ay naging malaking tulong ito para sa mga taong apektado ng COVID-19. Dahil natigil na ang paghahanapbuhay at kailangan pang mag-imbak ng pagkain sa bahay, ang pagiging maunawain ng mga may-ari ng mga apartments ay umantig sa puso ng mga netizens.




Sa Facebook post ng News5, ibinahagi nito na isang landlady na naman ang nanglibre ng upa ng kanyang mga tenants. Sa mga larawan, makikita ang mga tenants na may dala-dalang papel at nakasulat roon ang “free rental for March 2020 due to COVID-19.” Ang pagbabayanihang ito ay isang magandang halimbawa sa lahat na sa panahon ng kagipitan, dapat tayong lahat ay magtulungan sa …

"I've swallowed all my pride and took the chance to earn more", Ito ang Naging Pananaw ng Isang Teacher na Naging Waiter na Lamang sa Abroad

Image


"Mag-aral kang mabuti upang balang-araw ay magiging maganda ang iyong buhay kapag nakapagtapos ka ng magandang kurso sa kolehiyo." Ganito ang kadalasang naririnig natin sa mga nakatatanda at hindi rin naman sila mali. Malaking tulong ang edukasyon sa paghubog ng magandang kinabukasan ngunit minsan may mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay ang siyang nagdadala sa atin sa pangarap nating destinasyon. 
Isang halimbawa na nga dito ang buhay ng isang guro na si JM Papa. Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya kung gaano siya nagsumikap sa pag-aaral para matupad ang kaniyang mga pangarap. Sa pamamagitan nga ng pagiging isang iskolar ay nakapagtapos siya sa De La Salle University-DasmariƱas at nagkaroon ng degree sa Secondary Education major in English. 

Naging maganda ang takbo ng lahat at maari na siyang makapagturo bilang isang guro ngunit napa-isip si JM at mas nanaig sa kaniya ang pangarap para sa buong pamilya hindi lang para sa sarili. Kaya naman, nagdesisy…

Maliit Na Restaurant, Kinonvert Upang Maging Temporary Shelter Ng Mga Walang Tirahan, May Libre Pang Pagkain

Image
Sa gitna ng nararanasan nating malaking pagsubok ngayon sa ating bansa, di maikakaila na mayroong mga mabubuting tao na handang tumulong sa mga kapus palad. 
Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, marami sa ating mga kababayan ang nahihirapang makahanap ng kanilang pagkain lalo na't halos lahat ng mga establisyemento ay sarado. Ganun na rin ang mga taong lansangan na wala naman talagang matutuluyan lalo na't pagpatak ng curfew sa gabi. 
Kamakailan, ang isang maliit na restaurant na ito na matatagpuan sa East Kamias, Quezon City ay  nag-viral sa social media dahil binuksan nila ang kanilang pintuan upang pansamantalang patuluyin ang mga taong wala namang tirahan at walang pagkain.
Ang Popburri ay isang maliit na snackshop na nagtitinda ng mga espesyal na popsicles, hot chocolate, rice meals, pandesal, burritos at iba pang snack items. Nang magsimula ang lockdown ay kinonvert nila ang kanilang maliit na shop upang maging temporary shelter ng mga …

Ipon Challenge Itinuro ng Isang Guro sa Kaniyang mga Grade 3 Students

Image


Mahalaga ang pera para sa ating pangaraw-araw na pangangailangan at isa ito sa mga dahilan kung bakit pinaghuhusayan natin ang bawat trabaho na ating pinagkakakitaan. Maraming tao ang may alam ng bagay na ito ngunit kakaunti lang sa kanila ang nakakaalam kung papaano ito pahahalagahan. Kadalasan kasi ay nagiging mentalidad ng ilan sa atin ang salitang "bahala na" at ginagawa ang anumang gusto ng hindi pinag-iisipan ng maayos. Ika nga nila, walang maayos na ipon para sa kinabukasan.
Kaya naman, mainam na maituro kaagad sa mga bata ang kahalagahan ng bagay na ito upang nang sa ganoon ay alam nila kung papaano ito gagamitin sa mga panahong sila naman ang kumikita. 
Sa kabutihang palad ay parami na rin ng parami ang mga magulang at guro na gumagawa ng ganitong aksiyon. Kabilang na dito si Teacher Jeanne B. Olavire na kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media matapos niyang ibahagi ang mga masunurin niyang estudyante sa ikatlong-baitang.



Sa Facebook page na CFO PESO SENS…