Babae, Nagprisinta Na Ipang-Grocery Na Lamang Ang Kanyang Mga Kapitbahay Na Matatanda Upang Hindi Sila Maexpose Sa CoVid-19


Dahil sa banta ng coronavirus o CoVid-19 sa ating kalusugan, lilimitahan na lamang ang paglabas labas ng mga tao sa kanilang mga tahanan upang hindi na mas lalong kumalat ang virus. Bagamat kailangan pa ring lumabas ng bahay ang ilan upang bumili ng mga basic necessities tulad ng pagkain, gamot, at mga pang-araw araw na esensyal na gamit ay makakabuti kung isang miyembro na lamang kada pamilya ang lumabas para gawin ito.

Karamihan sa mga tinatamaan ng sak!t na CoVid-19 ay ang mga matatanda na edad 60 pataas. Ngunit ating tatandaan na walang pinipiling edad ang sak!t na ito. Marapat lang na mas bigyan lang ng extra protection ang mga matatanda lalo na't ang kanilang immune system ay humihina na. At kung maaari ay mapababa ang kanilang expose sa virus.

Kaya naman ang isang mabait na netizen na si Becky Hoeffler na taga North Carolina ang nagprisinta sa kanyang mga kapitbahay na senior citizens na ipang-grocery na lamang ang mga ito upang hindi na sila lumabas ng bahay.

Nabahala kasi siya ng magusap sila ng kanyang lolo dahil papunta raw ito sa grocery store upang mamili ng mga pagkain. Bilang magkalayo ang dalawa ay walang magawa si Becky kung hindi payuhan na lamang ang kanyang lolo na mag-ingat.

Dahil sa sitwasyon na ito, naisip niya kung paano makatulong sa kanyang mga kapitbahay na senior citizens. Kaya naman bago siya pumunta sa grocery store ay kinuha na niya ang mga shopping list ng kanyang mga kapitbahay para siya na lamang ang lumabas at mamili para sa kanila.

Matapos ang kanyang unang round sa pamimili sa grocery store at nag-abot siya ng mga flyers sa iba pa nilang kapitbahay na nag-aalok ng kanyang libreng serbisyo.

Nakalagay dito,

"Need someone to do your shopping? Call Becky! I would be able to go to the store so you can avoid crowds and coronavirus. NO CHARGE!."

Sa ginawa niyang ito, hindi lamang siya nakatulong sa ibang tao kundi nakatulong rin siya sa kanilang komunidad na makontrol ang dami ng taong lumalabas sa kanilang mga tahanan.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!