Batang Estudyante na Kumakain Lamang ng Kanin at Walang Ulam, Umantig sa Puso ng mga Netizens!




Dahil sa social meida marami ang samu’t saring kwento ang umaantig sa damdamin ng publiko. Kaya naman dahil dito mas madaling natutulungan ang mga indibidwal na nangangailangan na atensyon medikal o pinansyal. Kadalasan sa viral photo ay makikita na ang mga istorya ng bawat isa. Gaya na lamang ng isang batang estudyante kung saan kumakain ng walang ulam na nagdulot ng lungkot sa mga netizen.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ay agad na nag-trending online ang larawan ng isang babaeng estudyante habang kumakain sa loob ng silid-aralan dala ang sariling baunan. Ang ikinaantig ng mga netizens sa bata ay dahil wala itong ulam man lang. Maaaninag naman sa mukha ng bata na tila hindi naman niya alintana na wala siyang ulam. Bumuhos naman ang papuri sa bata dahil sa kabila ng kawalan niya ng ulam ay magana pa rin itong kumakain.





Napahanga rin ang mga netizens dahil matiyaga pa rin itong nag-aaral kahit wala siyang ulam. Marahil hikahos sila sa buhay ngunit hindi ito naging hadlang upang siya’y makapag-aral. Sa caption post ng D30 viral video and news, hinikayat nito ang mga kabataan na magsumikap sa pag-aaral dahil maraming ibang bata sa bansa na hindi makapag-aral dahil lamang sa kawalan ng pera.

Nakakaantig nga naman ng puso ang batang ito dahil kumakain ito kahit walang ulam at nagrerecess din ng walang pera pero mas nakakabilib wala siyang absent sa kanyang eskwelahan kaya sa mga kabataan diyan ay sanay magbigay aral sa ating lahat ang larawan na kumalat. Sa ngayon, ang naturang post ay umabot na ng 27,000 shares 23,000 reactions.

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga