Bela Padilla, Nakalikom ng 3.3 Million Pesos na Ginamit na Food Donation Para sa mga Street Vendors sa Walang Kikitain sa Panahon ng Quarantine




Sa panahon ngayon na apektado ang lahat ng mga Pinoy at halos lahat ng tao sa mundo ang maitutulong na lamang ng bawat isa ay ang pag-stay sa kani-kanilang mga bahay upang hindi na pa kumalat o dumami ang mga infected sa Covid-19.

Kaya naman pinapayuhan ang lahat na manahimik muna sa ating mga tahanan upang bumaba ang kaso ng mga taong apektado sa Virus nang hindi mahirapan ang ating mga Frontliners Health Workers.

Subalit hindi naman mapigilan ng aktres na si Bella Padilla na wala lamang itong gagawin dahil nais niya talagang tumulong lalo na sa panahon ng kalamidad.


Sa isang ilang mga twitter post niya noong nakaraang araw hindi raw nito lubos maisip kung paano na lamang yung mga taong kailangan magtinda upang may makain sa buong isang buwan na quarantine.




“How do the taho, sampaguita, chips and basahan vendors we see on EDSA who probably sold close to nothing today eat tonight. And tomorrow? And the whole month?”


Sa kakaisip kung paano niya matutulungan ang mga kababayan na walang pagkakakitaan ngayon ay naisip niya na magkaroon ng account for donation.

“The best solution I came up with is for us to donate. I set up an account and whatever money we do raise, let’s split 16 ways for the 16 cities of Metro Manila affected by this community Quarantine. I will personally see to it that the money we raise will go to the right people,” tweet ng aktres.




Ipinangalan niya ng “Pagkain Para sa Pinoy” at ibinahagi ang online account kung saan maaaring magdonate ang mga netizens na nais tumulong.

At matapos ang ilang araw ay nakalikom si Bella ng mahigit 3.3 Million Pesos na galing sa iba’t ibang tao na nagdonate. 


Ilan sa mga pangunahin celebrity na nagdonate ay sina Kim Chiu at Angelica Panganiban kaya naman agad nilang naabot ang 1 Million pesos budget. Subalit laking gulat ni Bela ng biglang may nagdonate ng mahigit 2 Million pesos sa mga sumunod na araw kaya naman umakyat ang budge nito sa 3.3 million.


Ayon sa aktres, ang ilang batch ng goodies na punong-puno ng pagkain ay naipamahagi na sa ilang mga kababayan natin. Patuloypa rin na mamimigay ang aktres kasama ng kaniyang Team sa mga susunod na araw.



Marami ang natuwa sa ginawa ng aktres dahil sa kaniyang malasakit sa ating mga kababayan na mahirap lamang. Alam niyang kailangan nila ngayon ay pera para may pambili ng pagkain subalit ayaw niyang magtinda pa ang mga ito dahil mas mataas ang risk nila na maexpose sa virus. 


Kaya naman pagkain ang nais niyang ibigay upang hindi na mamroblema ang ating mga kababayan na Pinoy na magtrabaho. 


Congrats Bela Padilla! God bless your good heart! Sana marami pang Bella Padilla ang tumulong sa ating mga kapwa!

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse