Brave Soul! Isang 43 Years Old na Babae, Ka-una Unahang Nagboluntaryo sa Bakuna Laban sa Corona Virus






Ang buong mundo sa kasalukuyan ay lumalaban sa isang strain ng virus na hindi pa natin na-e-engkwentro noon, ito ang novel coronavirus o COVID-19 na kumalat mula sa Wuhan, China noong huling buwan ng taong 2019. 

Kahit ang buong isla ng Luzon dito sa Pilipinas sa ngayon ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine mula March 15, 2020 hanggang April 14, 2020 upang mapigilan ang patuloy na pagkalat nito sa iba't-ibang panig ng bansa. Walang tigil naman ang mga eksperto na nasa larangan ng medisina sa paghahanap ng lunas sa sakit na ito at pati na rin ng bakuna para maiwasan ang pagkakaroon nito sa hinaharap.


Mula sa ulat ng MSNBC, BBC at The New York Times, ibinalita ang pagkakaroon ng posibleng bakuna para sa COVID-19 at ito ay sinusubukan na sa 4 na kataong napili para makita kung ito ay magiging epektibo ba o hindi. Ito ang isa sa pinaka-importanteng parte ng pananaliksik at kritikal na ito ay masubukan sa tao mismo lalo pa't wala ng oras ang pwedeng masayang sa pinagdaraanan nating krisis sa ngayon.

Ang unang nakatanggap ng bakuna ay isang 43 anyos na operations manager sa isang maliit na tech company at ina ng dalawang bata, siya ay si Jennifer Haller. 


Ang itinurok sa kanya ay may genetic code na katulad ng sa virus na nagsasanhi ng sakit, gayunman ito ay hindi magdudulot ng pagkakasakit sa alinman sa kanilang mga nagboluntaryo. 


Siya at ang tatlo pa niyang kasabay na tinurukan noong araw na iyon ay binigyan ng iba't-ibang dosage at sila ay babantayan nang maigi upang ma-obserbahan ang magiging epekto ng bakuna. Ang research na ito ay pinangunahan ng study leader ng Kaiser Permanente na si Dr. Lisa Jackson.



Isa itong malaking hakbang para sa laban ng buong mundo kontra sa COVID-19 ngunit sa kabila nito ay pinapaalala ni Dr. Anthony Fauci ng U.S. National Institutes of Health na kahit maganda ang maging resulta ng kanilang eksperimento ay maaari pa ring umabot ng 12 hanggang 18 na buwan bago ito mapakinabangan ng publiko. 


Sa ngayon ay may iba pang mga grupo ng eksperto ang sumasagawa rin ng kanilang kanya-kanyang pananaliksik at eksperimento para makagawa ng epektibong bakuna, wala pa mang kasiguraduhan ang mga ito ay malaking bagay pa rin ito sa ating pakikipaglaban sa COVID-19.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya