Concerned Netizen, Namahagi Ng Mga Health Packs Sa Mga Lolo At Lola Na Nasa Lansangan



Sa nararanasan ng ating bansa ngayon laban sa sak!t na CoVid-19, karamihan sa mga tao ang nangangamba dahil wala naman silang sapat na pera para pampa-ospital, pampagamot at pambili ng mga esensyal na bagay para maproteksyunan ang kanilang kalusugan. 

Kahit na walang pinipiling edad ang sak!t na ito, karamihan pa rin sa mga naapektuhan ay ang mga matatanda lalo na't humihina na ang kanilang immune system. At bilang hakbang para maproteksyunan ang bawat isa, ang tulong natin bilang mamamayan ay manatili na lamang sa ating mga bahay-bahay upang hindi na lumaganap ang sak!t.

Samantala, isang concerned netizen na nakilala bilang si Tammy de Roca ang nag-abot ng tulong sa ating mga senior citizens na nakita niyang nasa lansangan. Ibinahagi niya ang kanyang naging misyon sa isang Facebook post.

Wika niya,

"The outbreak is more dangerous to the elderly so dog child and I packed up health packages for the lolos and lolas out on the stress. I usually just hand it over whenever I see them. (street clearners, lone lolos and lolas, etc). As someone who is on highkey alert with my lolo, I couldn't help but not give these out."


Makikita sa kanyang inihandang mga health packs ay naglalaman ito ng mga gamot tulad ng paracetamol, multivitamins, kape, tubig, biscuit, sabon, wet wipes, at cash. Tiyak na para sa mga kapos palad na wala namang pambili ng mga bagay na ito ay malaking tulong na ito sa kanila.

Samantala, hinangaan naman ng mga netizens ang malasakit na pinakita ni De Roca lalo na't sa panahon natin ngayon, ang kailangan talaga natin ay pagtutulungan. Kahit na marami tayong mga nababalitan na mga hindi maganda sa ating nararanasan na crisis sa kasalukuyan, ay mayroong pa ring mga taong busilak ang kalooban na magbigay ng tulong. 

Maging inspirasyon pa po sana kayo sa ibang tao na gumawa ng mabuti. God bless you!

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!