“Earth is Healing” Dahil sa Lockdown, Mas Luminaw ang Tubig sa Venice Canal at Bumalik ang mg Swans at Isda Dito




Napakalaki nga naman talaga ang bahagi ng mga tao sa ating mundo at kapaligiran. Subalit dahil sa dami ng tao sa mundo, nasosobrahan na rin ata tayo at masyado na natin itong naaabuso.

Habang ang Covid-19 ay bumabalot sa ilang parte ng mundo at nagkakaroon ng Community Quaratine kung saan kinakailangan nasa loob lamang ng bahay ang mga tao, tila parang isa itong break time para mag-heal ang ating mundo.

Dahil sa mga ipinatupad sa Quarantine, sarado na halos ang lahat ng mga malls, restaurants, hotels at iba pang establishments na noon ay dinadagsa ng mga tao.




Maging ang mga kalsada ay tila parang na-abandona na ang mga ito dahil halos wala ka ng makikitang mga sasakyan sa daan.

Bumaba ang mga pollution levels katulad na lamang sa China, Italy at Philippines dahil sa pag-shut down ng ilang mga manufacturers at mga planta.
Sa katunayan, ang dating isa sa pinaka busiest na tourist spot sa Venice na Venice Canals ay tila ba parang ghost town na ngayon dahil wala ng mga turista.





Dahil dito, napansin ng isang residente na mas naging clearer at luminis ang mga canals dito na dati ay kulay itim dahil na rin sa mga bangkero at turista.




Nakita ng isang residente na may iilan ng mga isda ang lumalangoy dito at mas nagiging visible sa mata ang ilang mga isda na noon ay halos hindi mo na makita.




Namataan rin ang ilang Swans na lumalangoy na ngayon sa Venice Canal kung saan hindi mo na raw ito makiikita noon.




“Thanks to the quarantine, we are experiencing a cleaner environment.”

Baka ang pagkakaroon ng Pandemic Disease na ito ay isang paraan upang matauhan ang mga tao at magkaroon ng oras upang makapag-heal ang ating mundo. 

Maaaring sumosobra na tayo at masyado na natin naaabuso ang ating kalikasanan kaya nangyayari ito ngayon. Gayonman, may rason ang lahat at nawa’y maging lesson ito sa ating lahat.



Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya