Education Graduate Ipinaliwanag Kung Bakit Mas Pinili Ang Pagiging Fastfood Manager Kaysa Pagiging Guro



Ang nasa mindset kasi ng karamihan, na kung ano ang natapos mong propesyon sa kolehiyo ay iyon dapat ang magiging mong trabaho. Halimbawa, kapag nakagraduate ka sa Education ay magiging guro ka dapat. Dahil kung taliwas sa iyong propesyon ang iyong pinasukang trabaho pagka-graduate sa kolehiyo ay susumbatan ka ng iba na sayang lang ang iyong pinag-aralan kung hindi mo naman nagagamit.

Katulad na lamang ng isang Education graduate na ito na nakilala bilang si Paul Lea Isabelo. Matapos niyang matapos ang kanyang degree sa Bachelor of Secondary Education Major in English sa Polytechnic University of the Philippines ay mas pinili niyang hindi maging isang guro ngunit maging isang manager sa fastfood chain na Jollibee.

Dahil malayo ang kanyang trabaho ngayon sa kanyang propesyon ay marami siyang natatanggap na negatibong komento mula sa kanyang pamilya at sa ibang tao. Kadalasan ay nasasabihan siya na,

"Sayang pinag-aralan mo, di mo napapractice profession mo."

At dahil napuno na siya sa palaging ganitong komento sa kanya ay nagpahayag siya ng kanyang saloobin kung bakit mas pinili niya ang ganitong career kaysa sa pagiging isang guro.

"I'm posting this not to brag, but to remind everyone that not because someone took the other way it means sayang na yung pinag-aralan. Mas sayang yung nagtapos ka ng pag-aaral pero mas pinili mo maging tambay. At mas sayang din yung nagttrabaho ka pero di ka naman talaga masaya sa ginagawa mo."

Dagdag pa niya na kahit na hindi niya nasunod ang kanyang propesyon bilang isang guro ay nagsisilbi naman siyang guro sa ibang paraan katulad na lamang ng pagme-mentor niya sa kaniyang kapwa crew.

"Stop putting into someone's mind na sayang ang pinag-aralan kapag hindi mo napapractice ang profession mo but instead, tell them to do what they really want and love. Hindi ba pwedeng suportahan na lang? 

Besides, lahat naman tayo teacher. Maybe not in profession but in action. Hindi naman nagtatapos ang pagiging isang guro ko. I'm still in a room looking for improvement into someone and guiding them to become a better one, while them helping me also to become a better person. Give and take pa din, like a student and a teacher. Yes, not my students but our crews."

Source: buhayteacher.com

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse