Filipina Pride! Naka-Imbento ng Eco-Friendly Aircon ang Isang Babaeng Pinay na Ito!




Sadyang malaki ang ginagampanang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan at nagkaroon man noon ng diskriminasyon at pagdududa sa kanilang kayang gawin ay muli naman itong nabawi sa paglipas ng panahon. Ngayong buwan nga ng Marso ay ipinagdiriwang ang 'Araw ng mga Kababaihan' at bilang pagpupugay sa kanilang mga talento at naiambag sa komunidad ay narito ang magandang balita patungkol sa isang Pinay na imbentor. 

Nakilala siya bilang si Maria Yzabell Angel Palma at Grade 10 lang siya noon nang magkaroon ng ideya at maimbento ang isang eco-friendly aircon. 


Sa kasalukyan ay 20-taong gulang na ang dalaga na nagmula sa Naga City at nagtapos sa Philippines Science High School (PSHS) na matatagpuan sa Bicol. 



Umani ng iba't ibang parangal ang nasabing imbensyon ni Yzabell hanggang sa kinilala din ito ng International Federation of Inventors' Association (IFIA). Maliban dito ay nakompleto din niya ang application para sa kaniyang imbensyon sa Virginia-based US Patent and Trademarks Office. 


Sadyang kakaiba nga ito kumpara sa normal na aircon dahil sa halip na gumamit ng piston or rotary compressor pumps na maaring magdulot ng negatibong epekto sa kalikasan ay gumagamit ito ng tinatawag na mataas na bilang ng air molecules para mapalamig ang isang lugar kaya naman mas mainam itong gamitin. Sa kasalukuyan ay abala ang dalaga sa paghahanap ng mga investors na siyang magiging daan para maisakatuparan ang kaniyang pangarap na eco-friendly aircon na tinawag niya ring AirDisc. 


"Ngayon ay mayroon kaming ka-meeting sa Pilipinas at mga foreign investors. Gusto naming masiguro na ang mabubuo naming team ay gagawin ang lahat para maging matagumpay ang AirDisc project. Plano din naming umpisan ang paggawa nito sa Partido, Camarines Sur.", pahayag ng dalaga sa isang panayam. 





Ayon pa kay Yzabell, umaabot sa halos $3 million o di kaya naman ay 155 milyon pesos ang kinakailangang budget para sa AirDisc aircon kaya naman maingat sila sa pagka-usap sa mga tao. 

Talaga namang nakakamangha ang galing ng mga kababaihan na sa panahon ngayon ay kaya ng makipagsabayan sa mga kalalakihan. Saludo kami sayo Yzabell! Nawa ay matupad mo ang iyong pangarap na makatulong sa kalikasan at muling maiwagayway ang bandila nating mga Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!