Funny Video ng Isang Estudyante na Ginamit ang Cellphone ng Kaniyang Guro Para Mag-Video ng Kaniyang Sarili!




Hindi inaasahan ng isang guro na ito na magugulat siya sa ginawa ng isang estudyante sa kaniyang classroom na hindi karaniwang nagagawa ng ibang estudyante dahil sa takot sa kanilang mga guro. 

Subalit kakaiba ang isang pilyong estudyanteng ito na nag-viral kamakailan sa social media dahil sa kaniyang ginawang kalokohan na talaga namang nagpatawa sa marami lalong lalo na sa kaniyang guro.



Ibinahagi ng netizen at guro na si Nica Mojica ang isang nakakatawang video ng kaniyang mga estudyante habang nasa loob ng classroom na tila ba nagva-vlog habang nagse-selfie video ito.



Ayon kay Teacher Nica, naiwanan niya saglit ang kaniyang cellphone sa loob ng classroom at pagbalik nito ay mayroong hindi ito inaasahan na pangyayari na talaga namang nagpahagalpak sakaniya ng tawa.



Kinuha ng isang estudyante ang kaniyang cellphone at nagsimula itong mag-video ng kaniyang sarili kasama ang kaniyang mga kaklase habang sinasabi ang katagang, 

“Hi mga ka-hotdog! Nandito po tayo sa Youtube Channel… May mga iba pong teacher dito ay nagtuturo po sa amin. Nagpapasalamat po kami na may natutunan kami…” 



Hindi mapigilan ni Teacher Nica ang kaniyang tawa sa ginawa ng batang ito kaya naman ibinahagi niya ito sa kaniyang social media account na siya namang umani ng napakaraming shares at likes.



Caption nito sa kaniyang account, “Don’t leave your things unattended. HAHAHAHA. Tawang tawa ko pag check ko ng gallery.”

“Hindi ko kayang itago lang ito. Sino po ba ang ka-hotdog ng batang ito?, pagbabahagi ni Teacher Nica.

Hindi rin napigilan ng mga netizens ang kanilang tuwa sa video ng batang ito kaya napakarami rin ang nagkomento rito. Tila seryoso pa ang batang ito sa pagva-vlog habang ipinapakita ang kaniyang mga kaklase.


Sobrang funny mo ghorl! Sino kaya ang mga ka-hotdog at ka-kikiam ng batang ito? Sana mapansin siya at sumikat! 

Nais panoorin ang video? Narito ang link para diyan: Facebook/NicaMojica/

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan