Gulat ang Lahat Nang Huminto ang Isang Bride sa Gitna Habang Naglalakad Patungo sa Altar Subalit Hindi Nila Inaasahan ang Pangyayaring Ito




Ang maikasal sa taong mahal natin ang isa sa mga pinaka-masayang pangyayari na maaaring maganap sa ating buhay. Kaya naman ganoon na lamang ang paghahanda na ginagawa natin para sa okasyong ito at pati mga magulang at kamag-anak natin ay imbitado upang masaksihan nila ang bagong yugto ng ating buhay. Ganoon pa man, kahit anong paghahanda ang ating gawin ay mayroon pa ring kakaibang bagay na maaaring mangyari sa mismong araw ng kasal kagaya na lamang ng ibinahagi ng isang wedding photographer sa kaniyang Facebook account.

"Nag-umpisa ang lahat nang dahan-dahang naglakad ang bride papunta sa altar kagaya ng inaasahan at bigla itong tumigil sa kalagitnaan ng pasilyo.", kwento ng photographer na si Jamel Ara Pasilan.




Sa dinami-dami ng kasal na napuntahan ni Jamel kasama ang iba pang ka-grupo sa NQ Modern Photo ay ngayon lang nila nasaksihan ang ganitong pangyayari kaya naman hindi nila naiwasang magtaka. Maging ang mga tao sa paligid ay nag-alala rin sa ginawang ito ng bride at sa katunayan ang mga coordinator ay ginawa ang lahat para magbigay ng hudyat na ituloy niya ang paglalakad patungo sa altar dahil istrekto ang San Agustin Church pagdating sa oras ng paggamit ng kanilang simbahan. 


Maya-maya ay nagsalita ang bride at sinabing hindi siya aalis sa pwesto hanggat hindi dumarating ang kaniyang ama.


"Nasaan na kaya si Daddy? Nauna pa siyang umalis ng hotel kaysa sa amin.",dagdag pa ni Jamel.


Hindi na mapakali ang mga bisita at mayroon na ding tumawag sa ama ng bride kung nasaan na ba ito. Umabot ng halos 15 minutes ang itinagal ng paghihintay nila at biglang napuno ng hiyawan ang bulwagan nang makita nilang nagmamadaling pumasok sa simbahan ang ama ng bride. 






Tumulo ang mga luha dahil sa kakaibang eksena na kanilang natunghayan at sa huli ay matagumpay na natapos ang ceremonya ng kasal ng bride na nakilala bilang si Tin at groom nito na si Hermo.


Nangyari ang kasalan noong nakaraang February 28 at ayon sa kwento ng ama ni Tin, maaga siyang nakarating sa simbahan ngunit hindi pinayagang mag-park ng sasakyan malapit sa San Agustin Church kaya naman napilitan siyang bumalik sa Manila Hotel. 


Mabuti nalang ay mayroon siyang nakitang motorsiklo at pinaki-usapan itong ihatid siya sa simbahan dahil ikakasal na ang kaniyang anak. Sa kabutihang palad ay hinintay siya ng kaniyang anak at umabot pa para sa ceremonya.


Talaga namang walang iwanan pagdating sa pamilya at muli itong pinatunayan ni Tin na mas piniling hintayin ang ama sa kabila ng walang kasiguraduhan kung anong oras ito makakarating sa kaniyang kasal.

Congratulations Mr.& Mrs.Juarez!

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese