Health Workers ng St. Jude Hospital, Nag-viral Matapos Makaisip ng Kakaibang Paraan Upang Magkaroon ng PPE



Ang mga frontliners natin sa isang ospital sa Los Banos ay talaga namang naubusan na ng mga Protective Equiment o tinatawag na PPE. Dahil dito, gumamit lang sila ng ordinaryong plastic bag upang balutin ang kanilang mga sarili at sila din mismo ay humingi ng doansyon mula sa publiko. Maraming mga netizens ang kinabahan at nalulungkot para sa kanila ngunit marami din ang natuwa dahil sa kanilang pagkamalikhain.

Ang Pilipinas ngayon ay kasalukuyan kinakapos sa mga Personal Protective Equipment o mga PPE. Kaya naman maraming mga ospital ang humihingi ng tulong at donasyon dahil marahil binibigyan nga sila ng gobyerno ng mga ganitong kagamitan ngunit hindi parin ito nagiging sapat minsan. Habang dumarating palang ang tulong mula sa gobyerno, ay maraming mga health workers na ang gumawa ng p[araan upang magkaroon ng sariling kagamitan. Karamihan sa kanila ay gumawa ng DIY face shield sa pamamagitan ng mga office supplies at iba pang grocery items.






Para sa mga Health workers sa St. Jude Hospital sa Los Banos, walang makakapigil sa kanila na maglingkod at gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga frontliners na health workers kahit pa man ito ay ang kakulangan sa kagamitan. Sa pansamandali, gumamit sila ng mga makukulay na plastic bags upang balutin ang kanilang mga sarili.

Si Tes Despano ang nagshare nito sa kaniyang facebook account. Makikita na nakabalot ang mga workers sa malalaking plastic bags. Binalutan din nila ang kanilang mga ulo ng yellow na sando bag at binutasan ang bandang parte ng mata. Kagaya na lamang ng ibang pang mga ospital, inanyayahan ni Tes na magbigay din tayo ng tulong para makabili mismo ang mga health workers natin ng kanilang mga kagamitan.


Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre